Part 16: Knowing the Rebel Girl a little better

255 4 1
                                    

Isinalang na nya ang street fighter 2.

Eto e old school na hindi pa uso ang Super Moves. Mano mano talaga ang laban.

Cammy ang first character nya.

Vega naman ang sa akin.

Nilingon nya ako.

"Hindi ka talaga mahilig sa main stream ano?" puna nya.

"Ayaw ko mag Ryu or Ken. Madaling basahin." wika ko naman.

"Yan rin naman e. Dalawa lang naman ang moves nyan halos. Baka tatlo pa nga." tugon nya.

"We'll see.." wika ko sabay higpit ng hawak sa control pad.

(Hindi ako dapat madalas mag "wall climb" dito.)

(Aabangan lang ako ng "falcon arrow thrust kick" nito..)

Round 1.

Fight!

Walang kumikilos. Naka abang lang kami pareho.

Charge back, forward Hard Punch.

Isang Rolling claw attack muna ang ginawa ko, at katulad ng inaasahan ko sa gamer girl na si Rina, mabilis ang reflex nito at tinamaan ako ng ng isang falcon arrow kick.

(First attack!)

Ni tap ko twice ang back button at nag back flip si Vega at nag falcon arrow kick muli si Cammy.

Its a fake move.

Pagbaba nya ay isang Hard punch at isang slide sweep ang ginawa ko.

Pantay na ang life gauge :)

Napatingin sa akin si Rina.

"Ayos yun ah." compliment nya.

Wala na namang gumagalaw, pareho kaming nagaabangan.

Kumbaga sa Samurai X na anime.

Pareho kaming naka "Batou" style.
Naka abang lang pero sure dapat ang bawat move.

(Wala tayong pupuntahan sa ganitong galawan.) bulong ni konsensya.

So with that said?

Nagsimula ako ng series of swan dives left and right para makafake at everytime na makakalapit ako, naga grab ko siya ng "swan dive suplex" move ni Vega na siyang nakapagpapanalo sa akin sa round na ito.

"Ang galing mo gumamit ng Vega Mav!" hanga nyang wika.

"Sabi ko nga sa iyo, hindi ako mahilig gumamit ng mga characters na madaling basahin." tugon ko naman.

"Oo nga e. Parang si Spiral mo lang sa X-Men Children of the Atom." muli nyang wika.

Ngiti lang ang sagot ko.

Muli akong nanalo sa round 2 at masaya naming nilaro ang Street Fighter at kami ay halos nagpapalitan lang ng panalo.

______

TOK TOK TOK!

"Tao po!"

"Shakey's Delivery po!" wika ng tao sa labas ng bahay nila Rina.

"Yun na ang food!" masayang wika ni Rina.

Binitawan nito ang control pad at mabilis na bumaba. Mabilis rin naman akong sumunod para alalayan sa siya mga bagay na iaakyat nya.

Matapos magbayad ay iniakyat ko na ang pizza at siya na ang nagsara ng pinto.

Inilapag ko ang box sa sahig at naupo na sa tabi ko si Rina. Binuksan nya ito at pumilas na ng isa.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now