Part 37: Valentine's 96. Learning from teacher Teehankee

381 8 6
                                    

"yan ba yung syota mo Verenice?" ask nung nagdadrive.

"yah.." sagot ni Margaux.

"Nakauniform pa ah."

"mahihirapan tayo jan." wika nito.


(Mahihirapan?)

(Baket??)


"Gawan mo ng paraan!" singhal ni Margaux.


(Verenice ang tawag nya kay Margaux)

(If my guess is correct..)

(..kamag anak nya to.)


"Fine. Mahal ang TF (talent fee) ko dito Verenice ha. Pag nalaman ni tito na tinotolerate kita sa mga ganito mo, pareho tayo malilintikan." sagot nito.


Napansin ko lang.

Medyo may edad ang nag dadrive.

at..

Tomboy??


"You'll never go unrewarded cuz." misteryosang wika ni Margaux.


Nakangising tumingin ang tomboy sa rear mirror nito patungo sa pwesto ko.


"Anong name mo tol?" ask nito.

"Maverick po." sagot ko naman.

"I dont know you pero you must be someone special para mag effort pinsan ko ng ganito sa iyo ha?"

"Ayusin mo." babala nito sa akin.

Maangas ang pagkakadeliver.


Though medyo hindi ko trip ang ang angas nito.

Pamilya ni Margaux to.

I cant cross anyone in the family.

Tanging nod lang ang itinugon ko.


Nagpatuloy itong mag drive habang walang kibong nakatitig lang sa daan si Margaux.

(Kinakabahan ako sa mga susunod na eksena)

(Hindi ako sanay ng walang kibo si Margaux)

(May tumatakbo sa isip nito..)

___________________

Saglit na tumigil sa isang gas station ang auto ni Margaux. Lumabas ito at lumipat ng pwesto, tumabi sa passenger side sa harap ng auto at dito ito naupo.

Binasag ni Margaux ang katahimikan.

"Mav, can u lie down there and pretend to hide?" ask nito sa akin.

"E bakit?" contest ko.

"Just do it. Dont ask anything and just do it please?" muli nitong ask.


(Whatever.)


Humiga ako sa backseat.

Bumaling ito pinsan nito at may ibinulong.


"EWWWWW" tugon ng pinsan nya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now