Part 44: Kim's Birthday Bash: Hold on for one more day!

269 7 16
                                    


Naramdaman ni Kim ang hesitation ni Marlon so teasingly, inabot nya ang song book kay Marlon.


Tiningnan ni Marlon ang songbook na iniaabot ni Kim saglet, tumingin sa aming lahat at sa huli, tumingin kay Kim.


"Anung gagawin ko jan? ipapalo ko sa ulo ko?" natatawang wika ni Marlon.


Bungisngis kaming lahat.


" You first!" insist ni Kim.


Nakatingin lang kami sa namumulang si Marlon.


Boses palaka tong kamoteng to.


Iniisip ko paano neto lulusutan ang kalokohan nya ang ipit nyang sitwasyon.


"Bawal tanggihan ang celebrant!" sulsol ni Robert na galak na galak sa sitwasyon ni Marlon.


(Putangina mo) wika ni Marlon ng walang boses, pero nabasa namin ang galaw ng labi nya.


Ang bungisngis ay naging malakas na tawanan.


"Kim naman, wag ka naman ganyan saken!" nahihiya na natatawang wika ni Marlon.


"Boses kokak ako! baka sabihin ng mga bisita mo nag hahamon ako ng away bugbugin ako dito!" pagmamakaawa neto.


"No, no, you sing!" singhal ni Kim.

"Honga! ipapahiya mo ba si Kim?" gatong na naman ni Robert.


"Tangina mo talagaaaa... Huy tulungan nyo ko! magtotropa tayo! wag ganun huuyyy!" nakakawang wika ni Marlon.

Natawa na rin si Kim.


"Hihihi.. fine. Pero babalikan kita ha. Mag isip ka na ng kanta mo jan. Kahit bahay kubo basta kumanta ka. hihihi." tawa ni Kim.


"Ikaw ulit." hirit ko kay Kim.


"Ang daya naman e kanina pa ako." reklamo nya.


Tumingin lang ako. Yung mga mata na nag sasabing "Do it".


We finish each other's sentences. Alam nya ibig ko sabihin without even saying it.


"Okay! Stop making a fuss about it." wika nya.


Hindi nakalusot sa chismoso ang tingin na yon.


"Hanneeeepppp... tangina may telepathy mga to!" natatawa nyang wika.


Natawa rin ang mga classmates nya.


Humirit yung bakla.


"Siya ba yon?" ask nya kay Kim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now