Part 7: Smooth Criminal: So much for Carl's Jr..

374 6 2
                                    


Sa labas ng Carl's Jr


Muli kong sinipat ang parents ni Margaux on a safe distance.


Yung daddy nya, middle aged mga 45 years old na siguro sa tancha ko pero her mommy is.. parang malaki ang age gap sa daddy nya.

She looks young. parang mid 30's lang.

..at kahawig na kahawig nya.


(So..)

(Sila pala ang mga future parents in law natin..) bulong ni konsensya.


Napaisip ako.

Hindi ba dapat pinapakilala ako ni Margaux sa parents nya?

E bakit ayaw nya?


Takot?

Bawal?


("Pag nalaman nila about us.. ilalayo ako sa iyo") paalala sakin ni konsensya na muling ipinarinig ang boses ni Margaux.


Ano yun?

Aldub?


#satamangpanahon?


ganern??


Pero siyempre, wala pang aldub nun. Yung sinabi ko yun e thought ko lang ngayon sinusulat ko to.

Graahahahhahaha!


Nakita kong naglakad palayo ng counter si Margaux. Nag umarte etong parang na surprised sa nakita nya.


Bahagya akong naglakad palapit at sumandal sa glass pane ng Carl's Jr para mas makita ko ang eksena.


Nakita ko ang mabilis na sulyap ni Margaux na parang nagtataka kung bakit lumapit pa ako.


Mabilis nyang ibinaling ang mata nya dun sa kasama ng parents nyang chekwa.


(Eto siguro yung bisita nila..) naisip ko.

Naririnig ko ang usapan nila pero wala akong maintindihan.


ang naririnig ko ata e kanta ni Yoyoy Villame.


Dong Kwaila. A butsekek. Ek Ek Ek.


(Whatever..) naisip ko.

Kita kong panay tango ni Margaux habang kinakausap siya ng daddy nya.


"Okay daddy.."

"It's a weekend. I wont be hanging out with friends naman. Chill lang.." pagrarason nya.


(Ayun. Nag english.)

(Taglish pala.)

(Maiinitindihan ko na.)


"I just it funny na sa ganito kalapit ka maghahangout." wika ng daddy nya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now