Part 43: Kim's Birthday Bash

302 7 6
                                    


Maverick's room - 7:30 PM


Matapos akong muling maligo at mag ayos, handa na akong pumunta sa birthday party ni Kim.Checkered walking shorts, plain black shirt at sandals lang.


Gusto ko nga pambahay lang e.


Pero siyempre birthday yun. For sure my ibang bisita. Hindi taga community namen.nakakahiya.


Nag iwan muna ako ng beep kay Margaux.


"Love, i'm hitting the sack. Sleep na ako. I love you!" - Maverick


Lumabas ako ng kwarto at bumaba na para lumarga na.


__


"Kakarating mo lang ah." wika ni Mader pagsalubong ko sa kanya sa sala.


"Kina Kim lang po, birthday."


"Peram susi ma, late na ako uuwi." wika ko naman.


"Gaano ka late? may pasok bukas ah." muli nyang wika.


"Mga 12 am or 1 am. I can manage." matabang kong wika.


(Pwede ko naman akyatin mula sa labas papasok ng terrace makakapasok naman ako sa kwarto ko.)


(Hindi ko naman talaga kelangan ng susi.)


"Anjan sa study table nakasabit." wika ni mader.


Kinuha ko ang susi at tinungo na ang pinto.


"Alis na po ako. Matulog na kayo I'll be fine." binatang binata kong wika.Hindi na tumugon si mader at lumabas na ako ng bahay.


___


Nakita ko na ang mga tropa ko at mabilis akong sumama sa kanila.


May napansin ako.


"Itsura mo Maverick?" ask ni Marlon.


"Itsura nyo kamo?" tugon ko rin.


Nakapambahay sila.


Pantanga.


"Ano ka syota? Special?" tanong ni Marcus.


"Bestfriend baket?" Si Robert ang tumugon para sa akin.


"Ah kayaaaa" sabay sabay nilang wika.


Nakakaloko.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now