Part 34: I Like You! A tribute to Gift Gate..

301 6 0
                                    

6:30 PM. Maverick's room.

Agad akong nagbihis ng pang alis. Wala pa si Mader, makaka alis pa ako para bumili ng gift para kay kim dahil birthday nya.

..at kay Margaux dahil valentines day, at susunduin nya ako sa school.

Chix lang ang peg.

Tangina, ako ang biglang naging chix na susunduin sa school.

Hindi ko alam kung dagdag pogi points ba yun or magmumukha akong bading.

Ewan.

Anyway at least maibabalandra ko ang ganda ng syota ko sa school so in a way, feeling ko naging favor ko rin naman.

Matapos magbihis ay nag leave ako ng sticky note sa fridge.

"Mader aalis po muna ako sa nasa Megamall lang may bibilhin lang, di ko sure kung makakauwi ako ng 8pm depende sa traffic. mabilis lang po."

Nakita ako ni yaya.

"San punta kuya?" ask nito.

"Jan lang may bibilhin lang, pakisabi na rin kay mader ha." bilin ko.

"sige kuya." tugon nito.

Ni slide ko na ang pinto pasara at lumarga na.

______

7:30 PM - Gift Gate, SM Megamall 3rd flr. Bldg B.

Kasalukuyan akong nagiikot at naghahanap ng maliliit na teddy bears na ibibigay ko sa dalawang bebot.

Ang background music e yung commercial music ng gift gate na si Geneva Cruz ang kumakanta.

"I like you.."

"You know I like you!"

"You know I honestly do.."

"I like to like you and you know i do.."

"I like you!

hmm.

May troll collections ako, pero i dont think magugustuhan nila to.

but on the contrary..

Common ang bears.

at dahil kakaiba nga ako mag isip...

dinampot ko ang dalawang trolls na magkaiba ang kulay ng buhok..

_____

Author's note:

In May of 2017, tuluyan ng isinara ang last Gift Gate store sa pinas.

Closing out sale. everything must go.

Eto ang malaking banner na nakita ko personally sa last gift gate store sa Greenhills, just this year nung minsan kaming nagpa ayos ng cellphone.

Nakakalungkot dahil minsang naging parte ng buhay ng mga teenager ng dekada 90's ang gift gate.

Not all good things last forever talaga.

Established in 1976, ang gift gate ay nakilala sa cute items and bags featuring Hello Kitty, My Melody, Little Twin Stars at Trolls.

In my time, walang babaeng hindi ata nahilig sa mga hello kitty.

Hello Kitty bags.

Hello Kitty wallets and pencil case.

Hello Kitty lampshades.

Panty na may design na hello kitty.

Hello kitty everywhere.

40 years of cuteness overload..

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now