Part 5: The early bird.. catches.. the early hotdog??

407 6 1
                                    


7:15 AM - 7-11 Edsa (MRT Boni Avenue Station ngayon)

Naknamputa.

Hindi ko pala na clarify kay Margaux what time kami magkikita!

Dumukot ako ng 2 pesos at inihulog ito sa phone booth sa labas ng pinto ni 7-11. Ni dial ko ang number ng pocketbell operator:

Matapos ibigay ang beeper number ni Margaux ay nag iwan ako ng message:

"Love ko, despite what you said, maaga pa rin ako ako umalis dahil baka hindi ako payagan pag inabot pa ako ng gising ni Mader. I feel better na. Dito ako 7-11 Boni Avenue. Let me know pag paalis ka na. I wish we can meet no later than 10:30 AM ha. Pagbukas sana ng mall para maaga na tayong magkasama. iloveyou! - Maverick"


Click.

Ibinababa ko na ang handset at tuluyan na akong pumasok ng 7-11.

__________

Self Serve ang 7-11. Alam natin yan.

I got a classic jumbo hotdog sandwich combo sa hot coffee.

Matapos bayaran sa counter ay na upo ako sa high chair. Ipinatong ang food sa mahabang mesa at nilagyan na ng dressing ang hotdog sandwich.

Kumagat ako.

"Hmft.. Iba pa rin talaga ang Tender Juicy Hotdog.." bulong ko sa sarili ko habang pinagtiyatyagaan ang hotdog na iba ang panlasa.

___

Author's Note:

Yeah.

Mahilig ako sa Hotdog.

Favorite ko ang TJ Hotdogs. Kami ang kabataang pinaglaanan ng catch phrase na "kids can tell"

"The Official Hotdog of the yesteryears"

Panahon namin yung commercial ni Chantal Umali at Patrick Garcia na may catch phrase na:

"Carlo sat beside me today, he's so cute. Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat. I eat too much kase eh.."

"Mula ngayon, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye hotdogs... "

(Thinks about what she said)

"..aayyy..."

(The its decided!)

"GOODBYE CARLO!"

Sabay kagat ng hotdog.

Nostalgic right?

So I guess I am one of the many 90's teens na im sure na until now, kahit sa aming pagtanda ang fan pa rin ng masarap na masarap na Tender Juicy Hotdogs!

_____

Balik sa story.

Para lang akong tanga na nakatulala sa glass pane ng 7-11 habang binabagalan kong sadya ang pagkain ng sandwich at pag higop ng kape.

Hypnotic ang effect ng nakikita kong mga sasakyang rumaragasa sa EDSA.

Ngayon ako inaatake ng antok.

Kelangan e dahan dahan lang talaga ang chibog para makapag palipas ng oras at mahaba haba pang oras ang need ko bago kami mag kita ni Margaux.


(May malapit na Arcade jan sa baba ng Wendy's..)


(Dun sa pinag labanan nyo ni Rina..) bulong ni konsensya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now