Chapter One

66.9K 957 118
                                    

Chapter One

Bagong Buhay












[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Salamat po sa mga patuloy pa ring binabasa ang kwentong ito :) Pasensya na po kung natatagalan si Owtor sa pag-a-update. Do not worry... Mga forty chapters lang ito or less. Basta maikli lang ito hehe :) Salamat po ng marami :) Thank you for trusting me. Thank you for your love and support. I love you guyseu <3 Enjoy reading :)]








***

Two weeks ago...








Bumaba ako sa isang barko na nagdala sakin sa isang bayan. Napapikit ako ng mariin sa hilo. Ito ang unang beses na sumakay ako ng barko. It's not a bad idea after all. Sumakit lang talaga ang ulo ko.






Nakarating ako sa isang bayan. Hindi ko pa alam kung anong pangalan ng bayan pero malayo-layo ito sa isla fortunato kaya kung sakali mang hanapin ako ni Lucian ay hindi niya ko mahahanap. Halos pitong oras din ang layo nito. At ibang-iba sa isla na nakasanayan ko. Sa isla kasi napapalibutan ang bahay ni Lucian ng dagat.






Napabuntong-hininga ako. May nakita akong mga nagtitinda sa paligid. Maraming tao rito. Naghahanap ako ng matutuluyan ko. Dito ko na balak na magsimulang muli. Kailangan gawin ko ito para sa sarili ko at para sa baby ko. This is all what I need.






Simple lang ang nakikita kong pamumuhay rito. Siguro naman makakapag-adjust ako kahit ako na lang mag-isa. Siguro naman makakaya ko kahit pa sabihing hindi ako sanay at wala akong makakasama. Alam kong mahihirapan ako dahil nung una ay kasama ko pa si Lucian ngayon ay mag-isa na lang ako. Napailing ako. Hindi ko maiwasang maalala na naman si Lucian.





Habang naglalakad ay biglang umikot ang paningin ko. Shit!





Lumapit ako sa isang upuan na nakita ko roon at umupo. Sapo ko ang ulo habang nakaupo. Shit! Wala nga pala akong tulog at hindi rin ako kumain magdamag. Napagod din ako sa biyahe. Nanghihina ang tuhod ko at nagdidilim na ang paningin ko. Wag naman sana Lord...








At bago ko pa mamalayan ay nawalan na ko ng ulirat.





Baby...











May kumakalabit sa mukha ko kaya ako naalimpungatan. Bahagyang nagising ang diwa ko. "Kino huwag kang makulit baby." narinig kong sabi ng isang babae. Narinig ko pa ang bungisngis ng isang bata. Am I dreaming?






Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at ang bumungad sakin ay ang isang napaka-cute na bata na nakaupo sa high chair  sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Hinahawakan niya ang mukha ko. Bata? Kama? Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatayo dahilan para hawakan ko ang ulo sa sakit nito. "Aray!"





"Ayos ka lang?" isang baritong boses ang nadinig ko. Napatingin ako sa lalaking humawak pa sa braso ko. Kita ko ang maliit na pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sakin. He's face looked so serious. He's serious eyes, pointed nose at ang tamang hubog ng panga. He's dark and handsome.





Napakurap-kurap ako. "Sino ka? Anong ginagawa ko rito?" napatanong ako. Tinignan ko ang paligid. Nasa gilid ng kama ang high chair na kung saan pilit akong inaabot nung bata sa tingin ko ay nasa dalawang taon. Napabaling ako sa isang balinkinitang babae nang siya ang sumagot.






"Nasa bahay ka namin. Nakita ka kasi nina Tatang sa may bayan na walang malay kaya dinala ka nila rito." she smiled to me. She looks pretty. Manipis na labi, matangos at maliit na ilong at kulay tsokalateng mga mata.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now