Chapter Fifteen

30.3K 624 227
                                    

Chapter Fifteen

Mahal Kita, Amanda












[A/N: Annyeong guyseu :) Maikli lang po ito. Sana makapag-update rin ako bukas. So anyways. Thank you so much for still reading this story :) Kayo ang inspirasyon ko para mag-update :) Love you guyseu <3

At kay TheLadder89 thank you so much bb <3 Naiintindihan kita. Isa ka sa mga nagpapasaya sakin at isa ka sa mga inspiration ko para mag-update. Salamat ulit bb <3 Mamimiss kita sa comment section T_T. Maraming salamat <3 Saranghae <3

So ayun. Enjoy reading guyseu <3 Saranghae <3]







***





Pagbaba ko ay wala na si Lucian sa may sala. Ang sabi ni Manang ay umalis na raw ito. Malamang na masama ang loob niya sa sinabi ko. Pero masama rin ang loob ko sa narinig sa kanya.








Did I overthink again? Nagpadalos-dalos na naman ba ko? Hindi ko maiwasan lalo pa sa mga narinig ko. Akala ko totoo siya. Pero anong ibig sabihin ng mga narinig ko?







Napabuntong-hininga na lang ako ng tahimik.









"Mauuna na po ako, Manang." paalam ko kay Manang. Mag-isa na lang ako pupunta sa OB ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng shoulder bag ko sa balikat.








"Hindi ba sasama saiyo iyong si Lucian?"









Umiling ako. "Hindi po. Kaya ko naman po. Sasabihin ko na lang po sa kanya kung ano ang sasabihin ng doctor." sabi ko.









Tumango si Manang pero kita ko ang dismaya niya. "Iyon talagang si Lucian. Hindi ka man lang nasamahan. Oh. Siya sige na. Mag-iingat ka." sabi ni Manang. Nagpaalam na ko at umalis na.









Sumakay ako sa may taxi at nagpahatid na sa ospital. Nalulungkot ako sa mga nangyayari.








Nang nasa OB ko na ay chineck lang ulit si baby sa monitor. Naiyak ako nang makita ang anak ko sa monitor. Sobrang saya ng pakiramdam ko habang nakikita siya at naririnig ang tibok ng puso niya. Akala ko hindi ko na ulit siya mararamdaman.








Hiniling ko na sana... Kasama ko si Lucian sa mga sandaling ito. Gusto ko siya kasama sa mga ganito. Pero hindi na iyon dapat. Alam kong kasalanan ko rin pero kailangan maging ganito para matigil na kong masaktan pa lalo.








Nagbilin lang si Doktora sa mga kailangan kong inumin. Sa mga dapat kong iwasan. Mga pwede kong gawin para maging healthy ang baby. Sinabi rin ni Doktora na dapat ay iwasan ko ang mga bagay na nagpapastress sakin dahil lubhang delikado iyon para samin ni baby. Nasabi ko rin kasi kay Doktora na muntik na kong makunan.








Nang matapos ay nagulat ako nang paglabas ko ay nakita ko na naghihintay si Timothy roon.








"Timothy? Anong---"









Ngumiti siya at niyakap ako. "Kamusta ang check up mo?" tanong niya at humiwalay sa yakap.








"Hey. Anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang sabi ko. Parang kagabi lang ay magkausap kami tungkol sa check up ko para ngayon. Hindi ko sinabi sa kanya na pupunta rito. Hindi naman niya kailangan gawin iyon. Saka isa pa... Umasa talaga ako na si Lucian ang makakasama ko rito.










Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now