Chapter Thirteen

33.2K 697 209
                                    

Chapter Thirteen

Baby Kino









[A/N: Annyeong guyseu :) This will be a short update. Maikli lang ito at less drama :) Para kahit sa update lang na ito hindi kayo malungkot hehe :) Para sainyo ito guyseu :) So ayun :) Enjoy reading guyseu <3 Saranghaeyo <3 Enjoy reading :) Kamsa :)]








***




Hinatid ko na si Timothy sa labas dahil baka kung ano pa ang mangyari kapag nagtagal pa si Timothy roon kahit isang minuto lang. Tinalikuran namin si Lucian na natahimik dahil sa nasaksihang pag-iyak nung bata.








Naman kasi siya! Masyado siyang mapanghusga! Masyadong oa kung magreact!







Buhat-buhat ni Timothy si baby Kino habang pababa kami. “Pasensya na talaga sa nangyari,” hinging depensa ko kay timothy. Nakakahiya sa kanya.








Umiling siya. “Wala kang kasalanan. Ayos lang iyon. Sorry rin. Hindi ko lang talaga matiyanta iyang Lucian na iyan kaya sorry.” sabi niya. "Kasalanan ko rin naman. Naiintindihan ko siya. Magseselos din siguro ako kapag nakita ko ang babaeng mahalaga sakin na may kasamang ibang lalaki."







Hindi ko alam pero parang may kung ano sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Anong nagseselos? Si Lucian? Tss! Napakaimposible! "You think ayos lang iyong ginawa niya?"





Tumawa siya. "Hey. Hindi ko sinabing ayos lang na pagsalitaan ka niya ng ganoon. Fuck. Kung wala lang ako sa bahay niya baka hindi lang iyon ang nangyari. Pasalamat siya nandito ko sa bahay niya at nandito si baby Kino. I know it's just a natural reaction of a guy. Hindi na dapat ako umakyat sa kwarto mo. Ayoko lang naman na mahirapan ka sa pagbuhat kay baby Kino."








Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. "Hayaan mo na nga. Bahala siya." kibit-balikat ko. Hindi ko naman maintindihan si Lucian eh! Nakakaloka siya! O ako talaga ang magulo? Tss! Bahala na nga!








Tumawa ulit siya at hinaplos ang pisngi ko. "Easy babe. Ang sungit mo na." sabi niya. Napanguso na lang ako.









Nang makababa na kami ay nasa sala na si Manang. "Manang aalis na po si Timothy."








"Ganoon ba? Mag-iingat ka."






"Salamat po, Manang." pasasalamat ni Timothy. "Mauuna na po ako." paalam ni Timothy.






"Mag-iingat ka." sabi ni Manang kay Timothy.







Lumabas na kami. “Pasenya na talaga, Timothy ah? Salamat dahil hindi mo pa rin binawi ang sinabi mong dito muna si baby Kino.”






Nag-alala kasi ako na baka bawiin na ni Timothy ang sinabi niyang dito na matutulog si baby Kino.










Nasa labas na kami ng pinto. "Nah. Alam kong kailangan mo si baby ngayon at ayoko naman na mas malungkot ka kapag binawi ko iyon. Hindi ako ganoon, Amanda. Kapag nagbitaw na ko ng salita paninindigan ko." nakangiting sabi niya. Napangiti na rin ako.








"Thank you. You're the best." sincere na sabi ko at hindi na napigilang yakapin siya saglit. Naramdaman kong natigilan siya pero niyakap din ang isang kamay sakin. Buhat pa rin niya si baby Kino.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now