Chapter Twenty Five (Part One)

31.8K 497 32
                                    

Chapter Twenty Five

Pamilya















[A/N: Waaahhh! Happy New Year Guyseu <3 Have a blessed new year to everyone :) Pasensya na kung ngayon lang nakapag-update si Owtor.  Hayaan niyo babawi si Owtor :) Pangako iyan :) At sisimulan ko na ngayon. Sana magustuhan niyo :) Medyo na-stress ako haha. Nabura kasi iyong ibang original part ng chapter na ito. Inulit ko siya kaya natagalan ako lalo sa pag-a-update kakainis huhu. Dapat kahapon at kanina pa ito kaso nagloloko din si Watty kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong mag-update huhu. Ang saklap talaga T_T. Feeling ko ayaw na niya kong mag-update haha charot. Pasensya na guyseu. Pero natapos ko naman kaya yehet I am thankful haha. Sana magustuhan niyo :) Late po ang araw dito. Magki-christmas pa lang dito sa story kaya pagpasensyahan niyo na. Pero sisikapin kong itapat na sa araw ngayon. Huhu. Anyways. Enjoy reading :) Kamsahamnida ~Saranghaeyo <3]















***










"Tita Amanda! Tito Lucian!" masayang salubong samin ng mga bata pagkarating namin sa bahay nina Attorney at Cassandra. This is actually my first time being in their house. Malaki at maganda rin ang bahay nila Attorney. Nakatapat din ang bahay nila sa dagat na tanaw mula sa loob ng kanilang bahay.










"Hi kids! How are you?" masuyong tanong ko sa kanila pagkayakap ko sa mga bata. Kahit kahapon lang ay nakita ko ang mga bata may excitement at saya ka pa ring mararamdaman kapag nakikita mo sila. Excited na rin ako na maging ganito ang mga anak ko. Iyong sasalubungin nila kami pag-uuwi kami ni Lucian. I can't wait for that to happen.










Humiwalay kami sa yakap. Masuyo silang humalik saking pisngi. Nakakatuwa talaga kapag nakikita ko sila. They are so sweet and adorable. Ang sarap nilang maging mga anak.










"Very fine po, Tita Amanda. Kayo po ni Tatay Lucian?" masiglang sagot naman ni baby Ana na tinanong pa kami kung ayos kami.









Napangiti ako. "Ganoon din baby. Tita Amanda is very fine too." sagot ko naman habang hinahaplos ang buhok niya. Bumaling ako sa tahimik na si Nathan. “Ikaw, Nathan? How are you?” masuyong tanong ko sa bata.










“Ayos lang po Tita Amanda,” sagot naman ni Nathan habang nakangiti. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya kapag nginingitian ako. Cute talaga niya.










Pinatuloy kami nina Attorney sa bahay nila. Pinaghanda muna kami ni Cassandra ng maiinom. Hindi ko naiwasang purihin ang bahay nina Attorney. Very comfortable and classy. Ang ganda ng bahay nila from interior pati sa mga gamit sa bahay ay moderno na nagblend sa mga antigo na naroon. Wala silang kasambahay dahil mas gusto ni Cassandra na maging hands on siya sa pag-aasikaso sa mga bata at sa bahay nila. Gusto ko ganoon din ako. Mas gusto kong ako ang mag-aasikaso sa pamilya ko at mga kakailangin sa bahay. Para matutukan ko ang mga anak ko. Ayokong magkulang sa magiging mga anak ko at kay Lucian.










Nagkakwentuhan muna kami saglit bago nagpaalam si Cassandra para magluto ng pananghalian namin. "Tulungan na kita." alok ko. Gusto ko kasing tumulong sa paghahanda niya. Nakakahiya naman kung wala akong maitulong. At isa pa mas gusto ko talaga na tumulong pagdating sa pagluluto.










Tumango si Cassandra. "Okay lang ba?" nakangiting tanong niya.










Tumango ako at ngumiti rin pabalik. "Oo naman." tumayo na ko. Tinignan ko muna si Lucian. Ngumiti siya at tumango. Sabay na kami ni Cassandra na pumasok sa kusina nang makapagpaalam kami kina Lucian at sa mga bata na magluluto na muna kami.










Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now