Chapter Fourteen

34.4K 680 197
                                    

Chapter Fourteen

Anger and Jealousy













[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Waahhh! Sorry ngayon lang po ako nakapag-update. Ang daming ginagawa huhu. Naging busy ako nitong linggo kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag-update. Pasensya na talaga guyseu huhu. Babawi ako next week :) Mabilisang update na iyon :) Sana po maintindihan niyo busy lang talaga ako nung nakaraan huhu :) So ayun. Sana po magustuhan niyo ang update na ito:) Marami pong salamat <3 Enjoy reading <3 Kamsaranghae <3]









***





"Sorry for keeping you waiting," sabi ko kina Lucian at baby Kino pagkalabas ng bathroom. Nakaupo si Lucian sa may kama habang nakakandong sa kanya si baby Kino. Nag-ayos kasi muna ko ng sarili para makakain na kami sa baba.








"It's okay. You are worth waiting..." narinig kong bulong ni Lucian na para bang sarili lang ang kausap. Nagpanggap na lang akong hindi narinig kahit sobrang kabog ng dibdib ko.






"Tawagan muna natin si Mommy Mira baby ah? Para makausap mo si Mymy." sabi ko sa bata. Alam kong gusto ni Mira na kausapin si baby Kino at ganoon din si baby Kino.







Pumalakpak si baby Kino at tumango. "Tawagan si Mymy!" masayang sabi niya.










Napangiti ako at kinuha ang cellphone sa may side table saka na dinial ang number ni Mira. Naupo ako sa tabi ni Lucian dahil buhat pa rin niya si baby Kino.







"Good morning, Mira!" bati ko kay Mira nang sagutin niya ang tawag. Napatingin ako kina Lucian. Inaaliw ni Lucian si baby Kino na tumatawa naman sa kanya. Napangiti ako. Close na talaga agad sila. Wow. Wala pang isang araw akala mo ang tagal na nilang magkakilala kung titignan mo.








"Good morning, Amanda!" bati ni Mira sa kabilang linya.






"Gising na si baby Kino. Gusto ka raw niya kausapin." sabi ko kay Mira.







"Aw. Thank you. Inaabangan ko talaga tawag mo. Grabe miss na miss ko na si baby Kino at ikaw." sabi niya. I can really hear her longing.






"Halata nga. Sorry nangulila ka tuloy sa kanya."








"Ano ka ba. Ayos lang iyon. Tatlong araw lang naman." natatawang sabi niya. "Kung iyon ang ikasisiya niyo ni baby Kino ay buong puso kong gagawin."






Bahagya akong tumawa. "Salamat. Na-touch ako." sabi ko. Tumawa siya. "Teka. Ibibigay ko na kay baby Kino."






Inabot ko ang cellphone kay baby Kino. "Good morning, Mymy!" bati niya kay Mira.








"Opo. Kakain pa lang po kami ng breakfast. Ang sarap po ng tulog ko kagabi, Mymy. Katabi ko po si Mommy Amanda at si Tito Lucian. Ang bait po ni Tito Lucian. Iyong husband po ni Mommy Amanda. Naglaro rin po kami."







Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ang cute-cute ni baby Kino habang nagku-kwento. Nagkwento pa si baby Kino nang mga ginawa naming tatlo kagabi. Kung gaano siya kasaya at kung gaano siya nag-enjoy. Napapangiti nga kaming dalawa ni Lucian sa kanya.







"Mymy I want to go back here soon. Kung di niyo lang po ako nami-miss ay gusto ko pa po sana dito Mymy kaso miss ko na rin po kayo kaya uwi na si Kino mamaya." 








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now