Chapter Forty

13.8K 307 63
                                    

Chapter Forty

Bantayan











[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Maikli lang po ang update na ito. 11 chapters to go and epilogue na. Iyong reason kung bakit hindi pwedeng sumama si Amanda kay Lucian ay sasabihin dito. Alam niyo naman po kung anong sitwasyon nila ni Lucian kaya hindi basta-basta pwedeng isama ni Lucian si Amanda. So ayun. Enjoy reading po :) Maikli lang po ito kaya po sana magustuhan niyo pa rin po :) Maraming salamat :) Enjoy :) God bless <3 Saranghae <3]








***







Nakatulala ako sa may dagat nang maramdaman ko ang paglapat ng tela sa likuran ko. Nagulat pa ko kung sino iyon. Napatingin ako kay Timothy na nilagay ang jacket niya sakin kaya naman nakahinga ako ng maluwag na siya pala. Ngumiti siya dahilan para mapangiti rin ako.








"Timothy! Nakabalik ka na pala. Ginulat mo naman ako." ngiti ko sa kanya. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya at ang pagkunot ng noo niya. Hinawakan niya ko sa magkabilang braso ko.








"Miss what's wrong?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako at ngumiti. "Wala. Bakit nandito ka na naman? Akala ko ba may aasikasuhin ka pa sa bayan?" tanong ko sa kanya at lalong ngumiti para hindi niya mapansin ang kalungkutan ko.






Napailing siya at nagulat ako nang niyakap niya ko. "Matagal na tayong magkakilala, Miss. Hindi mo na maitatago sakin kung nasasaktan, malungkot o masaya ka. Masyado na kitang kabisado para palampasin ko ang kalungkutan at sakit na nakikita ko sa mga mata mo."








May mainit na bagay ang humaplos sa puso ko. Ganoon na ba ko ka transparent para makita ni Timothy? O sadya lang talagang kilalang-kilala na niya ko para maitago pa ang tunay na nararamdaman ko.








Itinago ko ang mukha sa dibdib niya. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Masakit pa din hanggang ngayon ang pag-alis ni Lucian kanina.










"Hindi naman natin kailangan gawin ito babe. Kaya kong umuwi saiyo ng mas maaga..." sabi ni Lucian. Kita ko ang sakit sa mga mata niya at ang paghihirap doon.








Nadurog ang puso ko. Umiling ako sa kanya. "Yes you can. Pero mas makakabuti para saiyo na hindi na umuwi araw-araw." sabi ko sa kanya. Kahit alam kong kaya niyang umuwi sakin araw-araw hindi pa rin pwede dahil masyadong nakakapagod iyon para sa kanya. Baka bumigay na ang katawan niya sa gagawin niyang iyon dahil sa sobrang pagod. 








Napamura siya. "Bakit masyado kang understanding? Why don't you demand on me?" frustrated na sabi niya.








Napangiti ako. Kung alam mo lang Lucian kung gaano ko gustong mag demand ng oras saiyo.








"Kung mahal mo, iintindihin mo." sabi ko sa kanya. Napailing siya at napamura. Hinalikan niya ko na tinugon ko naman. "Hindi ko kaya ito..." nahihirapang sabi niya. Umiling ako at hinawakan ang pisngi niya. "Kakayanin nating dalawa." ngiti ko sa kanya. Napamura siya. "Baby..."








Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya na sinagot naman niya ng mas malalim na halik. "Mamimiss kita baby...." I said between kisses.








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now