Chapter Thirty One

16.3K 403 72
                                    

Chapter Thirty One

Galit













[A/N: Annyeong guyseu :) Ito ay maikling update po lamang dahil sa kadahilanang heart broken si Owtor dahil sa ticket selling ng EXO concert. Ito ay sabaw na update dahil sobrang wasak ang puso ni Owtor dahil wala na siyang pag-asang makita ang EXO sa April dahil hindi ako nakabili ng ticket. How to calm my broken heart? Nakakaiyak huhu. Sinong EXO-L na same ni Owtor? Damayan na to bes huhu. Sa mga EXO-L na nakabili congrats saiyo baka naman pwede mo kong isako sa bag mo haha. Huhu. Sinong mabait kahit isang ticket lang oh huhu pahingi hahahaha. Ayoko na. Lagi na lang akong broken hearted pagdating ng concert. Momo Griffin please pahinging ticket hahaha. Kakaiyak. Lagi na lang.

So ayun. Sana magustuhan niyo ang sabaw na update na ito. Sana magustuhan niyo ang maikling update na ito. Please. Kayo na bahalang umintindi haha heart broken ako eh huhu. Marami pong salamat :) Saranghae <3]













***






Maaga kami nagising ni Lucian dahil magsisimba kami ngayon. Sakto kasi Sunday ang Pasko. Nagsimba kami ni Lucian pagkatapos ay kumain na kami sa isang restaurant. Nang matapos kumain ay namasyal kami ni Lucian. Marami kaming nakitang pamilya na masayang namamasyal. Isa talaga ang araw na ito na kung saan masayang nagsasama-sama ang mag-anak. Ganyan kami parati ng pamilya ko tuwing holidays ay namamasyal kami. Minsan out of town or out of the country kapag mahaba-habang bakasyon. Iyon ang pambawi nila Mommy kapag busy sila. Nakatanggap ako ng tawag mula kina Mommy at Daddy kanina. Si Kuya naman ay text lang. Busy siguro iyon at naiintindihan ko naman at least hindi niya ko nakalimutan. 










Nang hapon na ay umuwi na kami dahil ayaw ni Lucian na masyado akong napapagod. Maya-maya ay may kumatok sa bahay at nakita namin na ang pamilya Arnaiz iyon.  










"Pasok kayo..." sabi namin. 










"Merry Christmas." bati nila at nagyakap kami. Niyakap din ako ng mga bata at binati nila ng Merry Christmas.










Nagbatian kami roon at pinaupo namin sila. Kinuha namin ni Lucian ang regalo namin para sa pamilya Arnaiz. Nakabili rin ng regalo si Lucian para sa mga bata. Nakakatuwa nga dahil personal niyang binili iyon.










Nagpalitan kami ng mga regalo. Nagpasalamat kami ni Lucian sa mag-asawa at ganoon din sila pagkatanggap ng regalo. Pati ang mga bata ay may regalo rin kaming binigay. Binilhan ko sila ng mga damit. Bagay na bagay kasi sa kanila ang bihisan dahil napaka cute nilang dalawa. Si Lucian naman mga coloring book, story book at mga coloring materials ang binigay kay baby Ana. Ang binigay naman niya kay Nathan ay isang sketchbook at mga drawing materials. Nalaman kasi namin na sa edad niyang limang taon ay mahilig na siyang magdrawing. Hobby kasi ni Nathan ang magdrawing eh.










Tuwang-tuwa sila parehas sa regalo namin sa kanila. Niyakap nila kaming dalawa at hinalikan sa pisngi pagkapasalamat nila. "Welcome babies." sabi namin ni Lucian sa mga bata.








"May gift din po kami para sa inyo." sabi naman ni baby Ana.









"Wow. Talaga? Thank you." sabi ko. Natuwa naman kami ni Lucian nang binigyan nila kami ng sarili naming regalo.










"Para samin to?"










Tumango sila at ngumiti. "Opo." sabi nila.










Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now