Chapter Nine

31.4K 624 108
                                    

Chapter Nine

Coming Back











[A/N: Waaahhh! Annyeong :) Today is a happy day for me :) Thank you Lord for allowing me na makausap ulit iyong best friend ko nung 3rd year. Sobrang namiss ko siya. Sobra. Ipinagdasal ko ang sandaling ito. 3 years na kaming walang communication. Ngayon na lang ulit kaya sobrang saya ko. Sobra. Nakakaiyak pala haha. Thank you Lord. Akala ko hindi ko na siya makakausap. Sobrang sakit nun. But thank you, Lord kasi nagkausap ulit kami. Sana bumalik kami sa dati kahit walang kasiguraduhan. I want her back as my sister again sa ibang nanay haha. Kaya kayo kapag may best friend kayo, wag niyo hahayaang mawala sainyo kasi sila ang mahahalagang taong kailangan niyong pangalagaan at ingatan at mahalin :). Treasured them as a precious things you have. Treat them as your family. Grabe. Totoo kaya iyong friendship break up is the most painful. Naramdaman ko iyon. She's my first girl best friend. Kaya Marth, panget thank you :) Mahal pa rin kita panget. Bestfriend pa rin kita :) Miss you <3 Salamat huhu. Sobrang di ko inexpect ito :) Thank you, Lord. Shinare ko lang guysue hehe. Pasensya na.

So ayun. Enjoy reading :) Wag na po pansinin ito haha. :)]










***




Nanatili lang ako sa ospital. Hindi ako iniwan ni Timothy. Kinailangang umuwi nina Matt at Mira nang araw na iyon dahil kay Kino.





Kinabukasan ay pinalabas na rin ako ng doctor. Hindi ko na rin nakita si Lucian doon. Siguro umuwi na tutal alam na rin naman niya ang gusto kong mangyari.








Nang makarating sa bahay nina Timothy ay sinalubong ako nina Lola at Lolo saka ni baby Kino.






"Kamusta ka hija? Nag-alala kami saiyo." sabi ni Lola nang kumalas sa pagyakap sakin.






"Ayos lang po ako. Salamat po." sabi ko. "Pasensya na po kung nag-alala kayo. Hindi na po mauulit."





"Masaya kami na ligtas ka hija. Mabuti na lang at nasa mabuti kayong kalagayan."






Kinamusta lang nila ko. After nun ay kumain na kami. Hindi ko muna sinabi sa kanila ang pag-alis ko ng mga sandaling iyon.







Pinagpahinga nila ko agad pagkakain ng tanghalian. "Magpahinga ka na." sabi ni Timothy at pinahiga ako sa kama. Kinumutan niya ko.








"Thank you Timothy sa lahat. Salamat sainyo." sabi ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako. "Salamat kasi dumating ka sa buhay namin." sabi niya. Kumalabigang puso ko. Na-appreciate ko talaga sila ng husto.






Hindi niya ko iniwan. Binantayan niya ko hanggang sa makatulog ako. Nang magising ako ay bumaba ako para makausap sila. Katatapos lang naming mag-agahan nun at sinabi kong gusto ko silang makausap dahil may sasabihin akong mahalaga. 








"Ano ang sasabihin mo hija?" tanong ni Lola. Nakaupo kami sa mahabang upuan. Nakatingin sila sakin. From now... Alam kong alam na nila Timothy ang sasabihin ko. Sina Lola at Lolo na lang naman ang hindi nakakaalam.







Tinignan nila ko Mira. Ngumiti sila at tumango. My heart broke. Napakagat ako sa labi bago bumuga ng hangin para mapakalma ang puso.






"Gusto ko lang po sana sabihing... Aalis na po ako at babalik samin." sabi ko. Kita ko na nagulat sila Lola at Lolo. Nagtinginan muna sila g mag-asawa bago ako tinignan muli.








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now