Chapter Thirty Six (Part Two)

15.6K 336 72
                                    

Chapter Thirty Six (Part Two)

Hatid










[A/N: Annyeonghaseyo guyseu:) Sorry for the late update. Ito ay maikling update lang po karugtong nung nakaraan. Sana po magustuhan niyo :) Thank you so much mga babes<3 6:54 guyseu <3]









***




Maaga ako nagising kinabukasan. Nagdasal lang ako at nag-ayos lang ng sarili para naman presentable akong haharap sa kanila sa baba. Binuksan ko rin ang phone ko para magtext sa mga mahal ko sa buhay. Kailangan araw-araw ko pa ring makausap kahit text sina Mommy at daddy pati na rin si Kuya Knight. I sent them Good morning kasama si Lucian at Phoenix.











Nakatanggap ako ng Good morning text kay Lucian. Napangiti naman ako dahil doon. Five in the morning pa iyon at pasado six na. Nagtipa ako ng reply para sa kanya.












Ako:

  Good morning babe :) Kagigising ko lang. Bakit ang aga mo? Are you at work?












Pagkasend ko nun ay binaba ko na muna ang phone ko sa kama. Paniguradong nasa trabaho na si Lucian sa mga sandaling ito kaya hindi na siya makakapagreply sa text ko sa kanya.












Naalala ko iyong kagabi... alam ko inaalala niya na baka bigla na lang magbago ang pagmamahal ko sa kanya. Na mawala iyon. The way he sang a song for me... I know mahal na mahal talaga niya ko. Kaya paano mawawala ang pagmamahal ko sa kanya? Malabo iyon dahil nakatatak na siya sa pagkatao ko.













Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong mag-ayos ng sarili para magluto ng almusal. Tilapia ang lulutuin ko para samin. Wala pa si Mira at Matthew sa kusina kaya marahil ay tulog pa ang mga iyon. Napagod talaga sila sa pamamasyal namin kahapon.












Nagpi-prepare pa lang ako nang pumasok mula roon si Timothy. "Good morning, Miss! Bakit ang aga mo?" tanong niya. Napangiti ako.












"Good morning, Tim!" bati ko sa kanya. Bakit kahit bagong gising ang gwapo pa rin niya?












"Nagluluto ka? Tulungan na kita..." sabi niya.












Amused na napatingin ako sa kanya. Tama ba dinig ko na tutulungan niya ko? "Talaga? Tutulungan mo ko?" naaaliw na tanong ko.












Tumawa siya at lumapit para halikan ako sa noo. "Of course with your help." sabi niya.












Natawa ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya marunong magluto. "Okay. Tuturuan kitang magluto." sabi ko sa kanya.












Kita ko na nagulat siya pero nandoon ang pagkatuwa. "Talaga? Gusto ko iyon. Paano ba iyan?" tanong niya.












"Lagyan mo ng asin iyong tilapia both side... habang iniinit mo iyong kawali." sabi ko sa kanya.












Tumango siya. "Madali lang pala ito eh." sabi niya. Natawa ako sa kanya. Binuksan niya iyong kalan at nilagay niya iyong kawali saka niya nilagyan ng mantika. "Oo naman. Madali lang talaga ito." sabi niya.












Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now