Chapter Forty Six (Part Three)

10.7K 242 13
                                    

Chapter Forty Six (Part Three)

Pagkakataon













[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) I'm sorry for always disappointing you guyseu. Sobrang sama ng loob ko dahil nabigo ko na naman kayo. Sobrang sakit sakin at talaga namang nalulungkot ako kasi hindi ko ito natapos. Sorry for disappointing you always. Sorry. Naiintindihan ko kung naiinis na kayo kay Owtor o kung ayaw niyo na sa story na ito. I will surely understand kung ihihinto niyo na po ang pagbasa nito lalo na sa tuwing binibigo ko po kayo. Patawarin niyo po ako. I'm really sorry. Sorry. Sorry po talaga. I really do T_T. Sorry /le cries/

Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyo sa kabila ng hindi ko pagtupad sa mga sinasabi ko sainyo, na hindi ko ginusto at talaga namang nadudurog ang puso ko sa tuwing binibigo ko kayo, ay nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo. Thank you so much po for understanding and staying :)

Natutuwa ako sa mga nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa last update. Salamat sa mga nagbigay ng kanilang idea about sa story at kung ano na bang mangyayari. I really appreciate it so much :) Tignan po natin kung tama kayo about sa kapatid ni Lucian :)

So ayun po. This is just a short update. Pagpasensyahan niyo na po. Enjoy reading po :) God bless <3 Ingat po palagi lalo na ngayong maulan. Saranghae <3 Salamat <3 ~

P.S. Happy Father's Day po sa lahat ng Daddy. Lalong lalo na saking Papa. Thank you po sa lahat and I love you, Papa <3

Kay Daddy Lucian, Daddy Chris at kay Daddy Matthew. Naks haha. Mahal na mahal ko ang mga lalaking iyon haha. Muli HAPPY FATHER'S DAY PO SA LAHAT NG PAPA SA MUNDO <3 GOD BLESS PO <3]









***



Nakaupo kami ngayon ni Lucian habang nakatingin sa may lawa. Ang katahimikan na bumabalot samin habang parehas naming iniisip ang inamin niya. Nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya. Nasa ko likuran ko siya habang yakap-yakap ako at nakasandal naman ako sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.







Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang inamin niya. May kapatid siyang pinakamamahal. Ang kapatid na kahit kailan hindi na niya makikita at makakasama pa ito sa buhay. Na tanging sa puso at alaala na lang niya ito makikita at makakasama. I know he will never forget her and even the pain of losing her.







"Luciana is a sweet and kindhearted lady like you... Napakabait niya at ayaw na ayaw niyang may nasasaktan. Kung pwede nga lang ay tulungan niya lahat ng tao." narinig ko ang mahina niyang tawa sa huling sinabi pero alam ko na nasasaktan pa rin siya ngayon. "Hindi ko alam kung bakit nagawa pa rin siyang saktan ng ibang tao." nasasaktang dugtong niya.







I know that Luciana is really a nice girl. Kaya masakit para sa kanila na sa kabila nun, ay nagawa pa rin siyang saktan ng ibang tao. Bakit kaya may mga tao na sinasamantala ang iba? Na nagagawa nilang manakit sa kabila ng kabutihan na ipinapakita sa kanila? Nakakalungkot...








Tinignan ko si Lucian. "I believe that Luciana is a nice girl. Manang mana pala siya saiyo." sabi ko sa kanya. Alam ko na kasing bait ni Lucian ang kapatid. Pamilya sila ng may mabubuting puso at pagkatao. Hindi ko man personal na nakilala si Luciana ay alam ko na mabuti siyang tao.







Humigpit ang yakap ni Lucian sakin. Hinalikan niya ang uluhan ko. Nilagay niya ang baba sa balikat ko. Ramdam ko kahit sa kanyang yakap ang paghihirap at sakit na nararamdaman niya.







"Mahal na mahal ko ang kapatid ko, Amanda. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. Sobrang spoiled niya sakin na lahat ibibigay ko sa kanya. I miss her so much. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hanggang ngayon ay masakit pa rin sakin ang nangyari. At nangungulila pa rin kaming lahat sa kanya." sabi niya. Mababakasan ang kalungkutan at pangungulila sa kanyang boses. Lalong humigpit ang yakap niya sakin. I know how it affects him so much, knowing na sobrang close nilang magkapatid.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Where stories live. Discover now