Chapter 5 Indecent Proposal

28.7K 1.1K 223
                                    

"My fingers are itching to trace the warm curves of your hips, and my tongue is excited to tease the softness of your lips. And I'm longing to see the look in your eyes as I slide between your thighs..." -Seven dela Fuerte



Sabine POV


Pawisan at hingal na hingal akong napabalikwas ng bangon. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga palad ko. Napasuklay din ako sa buhok ko at napapikit.

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyare ang kissing incident na iyon sa pagitan namin ni Seven. Pero hanggang ngayon, parang sariwa pa yun sa isip at panaginip ko.

Ilang gabi na ba akong ganito? To think na isang estranghero ang kumuha sa first kiss ko at hindi lang basta estranghero kundi sa isang babae?

Babae?

Dismayadong napailing ako sa sarili ko. And worse... I let her kissed me. At yung istupido ko pang labi, tumugon!

Napatingin ako sa dalawang kasamahan ko dito sa loob ng kuwarto. Himbing na himbing na silang natutulog sa kabilang double deck na kama.

Pabagsak akong nahiga ulit sa kama at blangko ang tingin sa kisame. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyare ng araw na iyon. At mas lalong hindi ko maintindihan yung sarili ko sa naging reaksiyon ng katawan ko ng nagsayaw kami ni Seven ng gabing iyon.

Madaling araw na hindi pa ulit ako dinadalaw ng antok... kailangan ko ng matulog.

Gggrrrr! Gigil na gigil ako kay Seven dahil hanggang sa pagtulog ko ginugulo niya yung utak ko!

Kaya naman kinabukasan, hindi lang ako sabog... pakiramdam ko para akong zombie na naglalakad. Wala ako sa sarili na ewan.

Kasalanan 'to lahat ni Seven!

Bababa na sana ako ng apartment ng narinig ko yung boses ni Aling Openg. Yung may-ari ng apartment. Pakiramdam ko tuloy biglang nagising yung diwa ko. Bubwelta na sana ako paakyat pero huli na...

"Sabine!"

Napansin na niya ako. Napapikit ako at napausal ng taimtim na dalangin na sana pagbigyan pa ako ni Aling Openg.

"Magandang umaga ho Aling Openg." Pilit ang ngiting bati ko sa kanya.

"Walang maganda sa umaga ko ngayon Sabine." Napangiwi ako sa banat niya. "Kailan ka magbabayad ng upa?"

"Eh aling Openg kasi..." Napakamot ako sa ulo.

"Hoy Sabrina, tatlong buwan ka ng di nagbabayad sa akin ng upa!" Talak niya.

Bungangera si aling Openg pero may kabaitan naman yan na itinatago sa puso.

"Pasensya na ho, alam niyo naman pong madami akong binayaran nung nakaraang pasukan sa eskwelahan." Hingi ko ng paumanhin.

Napabuntong hininga siya. "Sabine, naibigay ko na sayo halos lahat ng konsiderasyon, pero may mga bayarin din naman ako na kailangan kong tustusan kaya kailangan mo ng magbayad. Utang na loob."

"Wag ho kayong mag-alala, kapag nakuha ko yung sahod ko sa bar next week, babayaran ko na po kayo." Sabi ko. "Pero pwede po yung kalahati lang muna?" Hirit ko.

"Hindi pwede!" Sagot niya.

"Aling Openg sige na ho, mag-eenrol pa kasi ako next week eh." Muling pakiusap ko.

"Masyado na akong maraming ibinigay sayo na palugit. Wag mo naman akong abusuhin." Saad niya. "Hala sige, sa susunod na linggo, aasahan ko yung buong bayad mo sa upa!" Saka tumalikod na at naglakad na paalis ng apartment.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon