Chapter 30 Can't Stop

29.2K 1.1K 56
                                    

"Be careful of that girl. For she should not be taken lightly. She is everything beautiful and kind and so authentically herself. She is a force to be reckoned with. She will make you forget the reality and cause you to seek the impossible. That girl is an unpredictable masterpiece."

Seven POV

Kahit na nakapikit ako, alam kong nakatunghay ngayon sa akin si Sabine habang magkatabi kaming nakahiga dito sa kama.

Inaantok pa ako, at kung pupwede sana gusto ko pang matulog. Mag-uumaga na kasi ng makauwi kami galing ng bar.

And speaking of last night's happenings...

"Wake up, boss." Narinig kong sabi niya. At kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangiti siya ng mga sandaling iyon.

I groaned. "Kahit na di mo ako gisingin using your sweet voice, mga titig mo pa lang magigising na ako." I said with a small smile while my eyes are still closed.

She laughed softly. "Sev?" She called.

I slowly open my eyes and saw her soft face and magnificent gray green eyes staring back at me.

"Morning." I greeted.

Napangiti siya. "Good morning din." Ganting bati niya.

"Come here." And motion her to come closer. "I'm missing you already." Bulong ko sa buhok niya ng bumalik siya sa pagkakahiga sa tabi ko.

"Di naman ako umalis ah." Sagot niya. "Nandito lang naman ako."

"Na-miss kita sa panaginip ko. Di ka kasi nagpakita doon kagabi." And smirked.

Natawa siya. "May pagka-korny ka din pala 'no, Miss Dominant?" Biro niya sa akin.

Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. "This is a once in a lifetime moment, Sabine. Lubusin mo na."

Napatingala siya sa akin. "Sev?" She called again. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganun.

"Hmm?" I hummed in response.

"About last night..." Worried na bigkas niya.

I stared at her intently. "I understand." Tugon ko.

"Makakapaghintay ka ba talaga ng ganun katagal?" May doubt na tanong niya.

She said yes but with some conditions. Tatapusin daw muna niya ang kanyang pag-aaral bago magpapakasal sa akin. At may isa pa... ligawan ko din daw muna siya sa stage na yun habang hinihintay ko siyang maka-graduate. Tsk. Naging mabilis daw kasi sa amin ang lahat, gusto naman daw niyang maranasang ligawan ko siya.

Girlfriend ko na, engaged na sa akin, tapos saka ko liligawan?

Tindi ng magiging bride to be ko... tsk.

"Katulad ng sinabi ko kagabi, I only need a yes," Hinawi ko yung buhok niya at inipit ko sa likod ng kanyang tenga. "I can wait, Sabrina. If that's what you want."

She bite her lower lip which earn a groan from me. I couldn't resist her so I grabbed her head and kissed her deep and long.

Marahan niya akong itinulak sa dibdib. "Sev..." Paalala niya.

I rolled my eyes. "Yeah, yeah, I know."

At isa din sa kondisyon niya... ang wala munang sex. I bargained, of course.

"One month." Paalala ko din sa kanya.

"And a half." She added.

Napakunot noo ako. "What's with and a half?" Nawewerduhang tanong ko sa kanya.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon