Chapter 20 Red Hot Chili Pepper

28.7K 1.2K 135
                                    

"Hearing a woman moan because of you is the sexiest sound ever."


Sabine POV


"Malolos! Malolos!" Sigaw nung konduktor ng malapit na kami sa may tapat ng Robinsons.

Isinukbit ko na sa isang balikat yung backpack na dala ko at tumayo na. Nakikipag-unahan pa yung iba sa pagbaba, para namang may time limit yung bus at pag lumagpas di ka na makakababa pa.

Napapailing na lang ako sa loob-loob ko. Maanong makipila na lang sa pagbaba ng bus?

"Miss?" Bigkas nung driver. "Miss Maganda!" Sabi pa. "Ang suplada naman." Dagdag niya.

Malay ko ba kung sinong tinutukoy niya. Isa pa, wala akong pake. Bumaba na ako ng bus at tumingin sa gilid ng kalsada kung may naka-park na tricycle. Pahatid ako ng Bangkal.

"You need a ride?"

Isang pamilyar na boses ang narinig kong nagsalita. Nanlalaki at bahagya pang nakaawang ang mga labi ko ng humarap ako sa aking likuran.

At di nga ako namamalikmata lang, si Seven talaga yung nagsalita at nasa harapan ko ngayon na nakahalukipkip habang nakasandal siya sa kanyang itim na kotse.

"Ikaw ba yan?" Di makapaniwalang tanong ko habang naglalakad ako papalapit sa kanya.

Napakunot noo siya. "May iba ka pa bang Seven na kakilala?"

"Yung totoo?" Nabibiglang bigkas ko.

Pansin kong pinagtitinginan na siya ng mga tao. Bukod kasi sa magara niyang sasakyan, mukha pa siyang artista sa ganda't porma niya.

"Ikaw ba si Flash?" Patuloy ko. "Ang bilis mo namang magpatakbo!" Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. "At isa pa, paano mo nalamang dito ako bababa? Wala naman akong matandaang may nabanggit ako sayo ha?"

"I find ways." Simpleng sagot niya. "Get in."

Nawewerduhan pa ring pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan at inilagay sa ibabaw ng mga hita ko yung dala kong backpack. Pero hindi yun ang dapat kong isipin ngayon, kundi kung anong magandang idahilan sa mga kasamahan ko sa bahay kung sino ang kasama kong umuwi.

"Fasten your seatbelt." Sabi niya ng pumasok siya sa loob ng sasakyan.

Nagtataka pa ring ikinabit ko yung seatbelt ko ng pinaandar na niya yung makina ng sasakyan. May pinindot siya sa kanyang navigator bago umusad ang kanyang sasakyan.

Nag-angat ako ng tingin at mataman siyang pinagmasdan habang nagmamaneho. Una, parang alam na alam niya kung saan ako susunduin nung unang beses akong nag-text sa kanya. No, erase number one. Number two dapat yun. Ang una ay kung paano niya nalaman kung saan ako nagta-trabaho. Pangatlo, alam niya kung saan ako bababa. At parang kalkuladong-kalkulado niya kung ilang oras yung binabiyahe ng bus kaya nauna na siya dito. Tapos ngayon, parang siguradong-sigurado siya kung saan ako nakatira dito sa Malolos!

"Hoy, Seven." Sabay napahalukipkip na tawag ko sa kanya.

Nagtatanong ang mga matang pinagpalipat-lipat niya ang tingin sa akin at sa kalsada.

"Ini-stalk mo ako 'no?" Akusa ko sa kanya.

She made a throaty laugh and shook her head with amusement in her eyes.

"Magtapat ka nga sa akin." Pamimilit ko. "Pinaimbestigahan mo ako 'no?" Hindi siya kumibo pero nakangisi naman. "Dela Fuerte, kinakausap kita!"

"Ano naman ngayon kung pinaimbestigahan nga kita?" Nakaangat ang gilid ng labing hayag niya. "Does it matter to you if I gathered some data about you?"

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon