Chapter 24 Ricochet

28.6K 1.3K 153
                                    

"Yes, I have a dirty mind. And right now? You're running through it... naked."


Seven POV


A small smile curved on my lips as I watch Sabrina peacefully asleep beside me after we had sex.

Kakabalik lang namin kaninang hapon dito sa Manila. I had fun with her, and with her family as well. Nasimulan na din kahapon yung pag-aayos ng bahay nila. Pansamantalang umupa muna ang kanyang mga kapatid at inay ng apartment malapit lang din sa kanila para mabantayan yung mga gumagawa. Sinabi ko naman kay Ariel na madaliing ayusin iyon at ayoko ng nagsasayang ng oras. Para mabilis matapos yung bahay nila at makalipat din sila agad.

I sighed deeply. Hinahaplos-haplos ko yung malambot na buhok ni Sabine habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.

Minsan di ko maintindihan yung nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko siyang nawawala sa paningin ko. Gusto ko siya laging nakikita at nakakasama. Palagi din siyang laman ng isipan ko kapag ganung wala siya sa tabi ko.

"I like you, Sabrina." I whispered.

Kahit alam kong hindi niya ako naririnig, para kasing sasabog yung damdamin ko kapag hindi ko yun nasabi sa kanya.

"I really like you." I repeated while caressing her soft hair. "I like you to the extent that I want you to be with me for the rest of my life." I am sure of that. "I will marry you soon."

I get what I want. That's me. Sa kahit anong paraan, kung gusto ko ang isang bagay, kukunin ko iyon, by hook or by crook.

But with Sabine... parang hindi yun applicable. Gusto muna kasi niyang makapagtapos ng pag-aaral, matupad ang kanyang mga pangarap. Kaya naman wala akong magagawa kundi hintayin siyang makapagtapos ng pag-aaral. Kung pwede lang hilahin yung orasan, madaliin yung panahon ng makapagtapos na siya ng college para bukas pwede ko na siyang maging asawa, gagawin ko. Pero hindi.

I don't care about money. I have plenty of it. Why not use it to make her happy? I know... money can't buy happiness, but it can give you things that can make you happy and satisfied.

Isa sa mga pangarap ni Sabine ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, bago siya maging handang mag-asawa. And I can do that for her. And I can give it to her in a split second. Kayang-kaya ko yun ibigay sa kanya. Kahit yun man lang ang ma-short cut ko para kapag nakatapos na siya ng pag-aaral, pwede ko na siyang pakasalan.

Honestly, until now hindi ko pa rin maintindihan kung ano nga bang nakita ko sa kanya kung bakit ako nagkakaganito. Madami na akong nakasamang babae, pero iba siya. May kung ano sa kanya dahilan ng pagkahumaling ko sa kanya. At sa maikling panahong nakilala ko siya, may mga bagay o pakiramdam na ipinapamalas o ipinapadama niya sa akin na hindi ko natagpuan sa ibang babae.

And somehow I am afraid. I am scared. For the first time... I am scared. Natatakot akong ma-realize niya kung anong kapangyarihan meron siya over me. A power that can make me bend my knee, a power to make me lose my control, a power to make me weak, a power to make me hers... alone.

Si Sabine yung babaeng hindi basta-basta sumusuko... someone who does not give in that easily. At sa totoo lang, natutuwa ako sa kanya. Naa-amuse ako dahil kayang-kaya niya akong sagut-sagotin, kaya niya akong suwayin. She's quite a handful.

I sighed deeply once again. Maingat akong bumaba ng kama at nagbihis. Napagdesisyonan kong umuwi muna sa villa. Hinalikan ko muna siya sa noo bago lumabas ng kuwarto at umalis.

"O, buti naisipan mo pang umuwi?" Salubong sa akin ni nana Lorna ng makarating ako sa villa. "Akala ko nakalimutan mo ng dito ka nakatira."

"Magandang gabi din ho sayo, nana." Bati ko na lang sa kanya sabay sukbit sa balikat ko nung jacket ko at naglakad na papasok sa loob ng bahay.

Royal Blood Series: EnchantressWhere stories live. Discover now