Chapter 6 Seven-ty Seven Times

27.3K 1.1K 166
                                    

"I want you more than anything else in this world."


Seven POV


Three days... three fucking days has passed but no calls or even a single text message coming from Sabine.

Malapit na akong mawalan ng pasensya. Malapit na din yata akong mabaliw.

I tried... damn it, I really tried to divert my attention to other things. O di kaya naman ibaling yung atensyon ko sa ibang babae. But I couldn't feel that thirst... that hunger I'm feeling towards Sabrina. Sa kanya ko lang talaga 'to nararamdaman.

No, I'm not in love with her. It's more of uhm... something deeper than sexual desires. I can't explain it. At habang tumatagal nga nafo-frustrate ako... nababagot.

Pero hindi ko naman siya magagawang pilitin. I'm not like that. Hindi ko ugali ang mamilit... pero ugali ko minsan mang-ipit. What's the difference? The hell I care.

Nababagot na tumayo ako mula sa kinauupuan kong swivel chair at naglakad patungo sa gilid ng ceiling to floor glass wall ng opisina ko dito sa Dela Fuerte Empire. I shove my hands inside the front pocket of my slacks.

Hindi man lang ako natinag ng may kumatok sa pintuan ng aking opisina.

"Come in." Pagbibigay ko ng pahintulot habang nakatingin lang sa malayo.

"Ma'am heto na po yung papeles ng mga sasakyang for shipping bukas ng umaga."

Iniabot sa akin ni Roxy yung isang bukas na folder. Kinuha ko yun saka pinirmahan agad. Nakakawalang gana ding magtrabaho.

"H-hindi niyo man lang po ba 'to babasahin?" Takang tanong sa akin ni Roxy ng makitang pinirmahan ko yun agad-agad.

"I trust you, Roxy." Sagot ko lang saka namulsa ulit at ibinalik ang paningin sa malayo.

"S-sige po ma'am." Saka nagpaalam ng lumabas ng opisina ko.

It's a gloomy Monday afternoon. Mukhang uulan pa yata. Nakikisabay yata ang panahon sa mood ko.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayare sa akin pagdating kay Sabine. Parang siya lang ang makakagamot sa akin. Simula ng makita ko siya sa may coffee shop hindi na siya nawaglit sa isipan ko. She's haunting me... even in my dreams.

"A penny for your thoughts?" A male voice from behind snapped me out from my reverie.

"What do you want Lawrence?" Hindi man lang ako nag-abalang lingunin siya.

Narinig ko yung pag-ingit ng upuan sa harapan ng lamesa ko. Hinayaan ko lang siyang maupo dun. He's the least of my concerns right now.

Si Lawrence Saavedra ay anak ng nag-iisang kapatid ni mama. Simula pagkabata ang tingin na niya sa akin kakompetensya. Kaya naman bata pa lang kami hindi na kami talaga close. Parang lahat ng meron ako gusto niya meron din siya. Lahat ng gusto ko, gusto din niyang agawin. Lalong lalo na't alam niyang hindi naman ako totoong anak ni mama Amelia Saavedra dela Fuerte.

Ang alam ng lahat, isa akong ampon ng mag-asawang Alfonso at Amelia dela Fuerte. That's not true. Ganun lang ang pinalabas nila para makaiwas sila sa eskandalo.

Isang katulong ang birth mother ko. Nabuntis siya ng papa ng minsang malasing siya at nakaniig niya ito. Ako nga ang naging bunga. Kaya nananalaytay sa dugo ko ang dugong dela Fuerte. Isa akong half Brazilian half Filipina.

Nang mamatay ang totoo kong ina sa panganganak sa akin, si mama Amelia na ang itinuring kong ina. Hindi din kasi sila magkaanak-anak dahil baog si mama. Kaya naman tinanggap niya ako ng buong-buo. Kahit kailan hindi niya ipinadama sa akin na hindi ako galing sa kanya. Mas spoiled pa nga ako sa kanya kaysa kay papa noon.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon