Chapter 7 Chaotic Dreams

26.2K 1.2K 204
                                    

"Ambition is like love, impatient both of delays and arrivals."


Sabine POV


"Salamat kuya." Sabi ko kay kuya Randy ng ibinigay niya sa akin yung sobre na naglalaman ng sahod ko sa bar.

Sa kanya na kasi ibinibigay ni sir Dennis yung mga sahod namin at siya na lang ang bahalang magbigay nun sa amin.

Binuksan ko yun at mabilis na binilang. Saktong five thousand pesos. Napabuga ako ng hangin saka napangiwi sa isip-isip ko. Okay na sana dahil makokompleto ko na yung pang-enrol ko bukas, kaso wala akong pambayad kay aling Openg. Baka palayasin na ako nun sa apartment.

Yung seven thousand pesos kasi na naipon ko, nabawasan yun ng one thousand five hundred pesos, ipinadala ko sa Bulacan pang-enrol ni Melody. Nagipit daw kasi si ate Nadine dahil nagkasakit si Mary kaya pinakiusapan niya akong kung pwede ako na lang daw muna bahala dun sa pang-down niya sa eskwelahan.

Haist...

"O." Sabay abot sa akin ni kuya Randy ng pera.

"Kuya?" Nagtatakang nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin na pala silang lahat sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa backstage para kunin yung sahod namin ng buwang iyon.

"Para makompleto mo na yung pang-enrol mo." Kinuha niya yung kamay ko at inilagay dun yung perang iniaabot sa akin. "Galing sa aming lahat yan." Tukoy niya sa banda.

"N-naku kuya." Nahihiyang bigkas ko. "Hindi ko po ito matatanggap." Saad ko at pilit ibinabalik sa kanya yung three thousand pesos.

Alam ko naman kasi na may kaniya-kaniya din naman silang tinutustusan. Pare-pareho lang naman kasi kaming kumakayod. Ang kaibhan nga lang, ako nag-aaral.

Lumapit sa akin si Reina at hinawakan ako sa braso. "Sige na, tanggapin mo na yan. Para makapag-enrol ka na bukas."

Last day of enrollment na kasi bukas kaya naman namomroblema ako kung saan ako kukuha ng pandagdag. Bibili pa ako ng mga gagamitin sa school. Buti na lang sa second semester pa yung OJT namin. Dun talaga ako gagastos ng malaki.

"Basta kapag nakapagtapos ka na at may sarili ka ng resto bar wag mo kaming kakalimutan ha?" Saad ni Aika sa akin.

Naiiyak na napangiti ako sa kanila. Ang swerte ko kasi nahanap ko sila. Una kong naging kaibigan si Reina, second year college pa lang ako nun at nagpa-part time dito bilang waitress. Tapos ng marinig niya akong kumanta, inaya niya akong sumali sa banda nila. Agad naman nila akong tinanggap.

"Dapat kami ang gabi-gabi tutugtog sa resto bar mo." Nakangiting sabi ni kuya Allen.

Nakagat ko yung ibabang labi ko. "Salamat sa inyo guys." Naiiyak na bigkas ko.

"Group hug!" Sabi naman ni Aika.

Natutuwang nakipag-group hug ako sa kanila. Pero nangunguna talaga si Karl na yumakap sa akin.

"O-o!" Sabi ni Reina na hinawakan sa braso si Karl at inilayo sa akin. "Mananamantala ka pa eh."

Kakamot-kamot naman sa ulong lumayo siya sa akin. Natatawa na lang ako habang pinupunasan ko yung luha ko. Ako na ang yumakap kay Karl.

"Thank you." Sabi ko sa kanya ng kumalas ako.

"Walang anuman Sabine." Nagniningning pa yata ang mga mata niya.

"O ayos na? Masaya ka na?" Basag naman ni kuya Lorenzo na iilang beses mo lang mariringgang magsalita. Pero kapag nagpe-perform na sa stage parang sinasaniban sa galing tumugtog ng bass.

Royal Blood Series: EnchantressWo Geschichten leben. Entdecke jetzt