Chapter 29 Perfect Dive

30.2K 1.3K 160
                                    

"Love is an unconditional commitment to an imperfect person. To love somebody isn't just a strong feeling, it is a decision, a judgement and a promise."


Sabine POV


"So Ed Sheeran songs tayo ngayong gabi." Sabi ni kuya Randy habang nakapwesto na siya sa harapan ng keyboard.

Actually, last week pa namin yun napag-usapan. Nakapag-practice na din kami ng ilang kanta nung Martes ng hapon. At ngayon nga yung final rehearsal.

Naramdaman ko yung pagsiko sa akin ni Aika. "Okay ka lang?" Tanong niya sa akin ng nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"O-oo naman." Tugon ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Halatang hindi naman eh." Hindi ako nakakibo. "May away kayo 'no?" May himig panunukso pang tanong niya.

Nagmamaang-maangang tumingin ako sa kanya. "Hindi." Tanggi ko.

"Hay naku, Sabine. Wag mo ng itago." Sabi niya. "Ganyan talaga ang mag-jowa. Paminsan-minsan may away. Di mo talaga yan maiiwasan."

Napabuntong hininga ako. "M-may hindi lang kasi kami hindi pinagkaunawaan ni Seven."

Pagkatapos naming kumain kanina ng lunch, dito na ako nagpahatid sa bar dahil may practice pa kami para mamyang gabi. Siya naman, bumalik ulit sa opisina niya dahil madami pa daw siyang gagawin doon. Pupunta na lang daw siya mamyang gabi dito sa bar at sabay ulit kaming uuwi.

"Hindi ko siya kinakausap." Amin ko kay Aika.

"Alam mo Sabine," Panimula niya habang pinupunasan niya yung violin at ako naman inaayos yung sunud-sunod na kanta na kakantahin ko mamya. Si Reina naman nagvo-vocalize doon kay kuya Randy. "Kahit ano pa yang hindi niyo pagkakaunawaan ni Seven, hindi solusyon yung di mo siya kausapin o pansinin. Mas mabuting mag-usap kayo kung anuman yung pinag-aawayan ninyo."

Napabuntong hininga ako. May point naman si Aika eh. Pero naman kasi... nagseselos ako! Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa isiping baka may iba siya.

Napadako yung tingin ko sa singsing na ibinigay ni Seven. Ni minsan hindi ko 'to tinanggal sa daliri ko, di dahil sa pinagsabihan ako ni Seven pero di ko din maintindihan ngunit parang mabigat sa dibdib ko ang tanggalin 'to.

Oo na, ako na ang paranoid. Pero ganito pala ang pakiramdam ng nagseselos sa isiping posibleng may umagaw sa girlfriend mo.

Haist...

"Pero Sabine," Bahagya akong siniko ulit ni Aika.

"Ano?" Tanong ko.

"Kumusta naman kayo ni ma'am Seven?" Na may kakaibang ngiti sa labi.

"Okay lang kami." Nawewerduhang sagot ko.

Napapalatak siya. "I mean, kumusta naman kayo as lovers."

"Eh okay nga lang---" Pero bigla akong natigilan ng maintindihan ko yung ibig niyang sabihin. "Hmp! That's private." Iwas ko sa kanya.

May malisyosang ngiti siya sa labi. "Ginawa niyo na yun?" Makahulugang sabi niya.

"Ayokong pag-usapan." Iwas ko dahil ramdam ko yung pag-iinit ng mga pisngi ko.

"Nagba-blush ka ba?" Tukso pa niya sa akin.

"Aika ha?" Saway ko sa kanya. "Isusumbong kita sa jowa mo." Panakot ko sa kanya.

Hindi na niya ako kinulit pa pero may nanunuksong ngiti naman sa mga labi.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon