Chapter 32 New Friend

26.7K 1.1K 99
                                    

"Never in a million years did I think I'd find someone so utterly and completely perfect, someone who would make me happier that I ever dreamed I could be, someone that would touch my life so profoundly and just give me a whole new reason to breathe. But then I found you and realized that everything I anticipated you to be doesn't even compare to who you are."


Sabine POV


Dalawang linggo ang matuling lumipas simula ng surprise first date namin ni Seven sa resort niya sa Pampanga. Pero parang sariwa pa sa isipan ko yung moment na yun. Ngunit di na yun nasundan pa...

Naging busy na din kasi si Seven. Kung hindi siya mag-a out of town conference or meeting, nasa ibang bansa siya para um-attend ng bidding or car show. Gusto nga niya akong isama minsan pero di naman pupwede dahil may pasok ako sa school. Isa pa, wala pa akong passport.

Anyways, naging busy na din naman ako sa pag-aaral. We barely see each other too. Minsan tumatawag siya kapag hindi siya busy.

Maaga akong pumasok ng araw ng Huwebes. Bakit? Wala lang. Bigla kasi akong nabagot sa bahay at inagahan ko na lang mag-ayos papuntang school. At least dito may nakikita akong ibang tao.

I admit... nami-miss ko yung kakulitan ni Seven. Iba kasi yung pagkakulit niya, nakakaubos ng dugo minsan.

"Sabrina."

Napaangat ang tingin ko mula sa pagbabasa ng text message galing kay ate Nadine sa lalaking tumawag sa pangalan ko. He looks familiar. Ano na nga bang pangalan niya?

"Lawrence." Parang nabasa naman niya yung kalituhan sa isipan ko habang naglalakad ako papalapit sa kinatatayuan niya. Nakasandal siya sa pader sa may hallway papuntang classroom ko.

"Ah... yeah." I said as realization kicked in. "Lawrence." Bigkas ko sa pangalan niya.

Oo nga pala, siya yung nakapulot ng panyo ko noon. At siya din yung isa sa mga may-ari ng school.

"Sir Lawrence." Pagtatama ko.

Napakunot noo naman siya pero may tipid na ngiti sa labi. "Why so formal?" Tanong niya.

Naka-long sleeve polo siya ng kulay puti na nakatupi hanggang sa kanyang siko at naka-slacks siya ng kulay itim.

"Uhm," Tumigil ako pansamantala ng nasa harapan na niya ako. "Hindi ba ikaw ang isa sa may-ari ng San Lorenzo University?"

"Yeah?" Patanong na sagot niya.

"I mean... I should respect you." I told him. Parang bigla akong nailang sa kanya.

He smiled sheepishly. "Just call me Lawrence. Please?" Sabi niya. "At isipin mo na lang na hindi ako ang isa sa may-ari ng school para hindi ka mailang sa akin."

"S-sige." At napilitang ngumiti din sa kanya.

"For that..." He breathe the words out. "Can I invite you out?"

"Huh?" Nabiglang bigkas ko.

"I mean, have coffee with me?" Hindi ako nakasagot. "Don't worry I won't take much of your time. Sisiguraduhin kong makakabalik din tayo bago magsimula yung klase mo. Promise." He assures me.

Sa totoo lang, may isang oras pa akong maghihintay bago mag-start yung klase ko. Napatitig ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. Besides, wala din naman akong gagawin.

"O-okay." Pagpayag ko.

Inisip ko na lang na isa siya sa may-ari ng pinapasukan kong eskwelahan. Kaya naman ang hirap ding tumanggi.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon