Chapter 31 Surround Me

28K 1.1K 67
                                    

"When you make a commitment to someone specific and form a relationship, you are committing to include them in your life. It is the soul quest's to become one. And because of this, their happiness becomes your happiness, their pain becomes your pain and you becomes hers and hers to you. Commitment means oneness."

Sabine POV

Hindi ko namalayan na nakaidlip na naman pala ako dito sa kuwartong inuukopahan namin ni Seven. Napatingin ako sa suot kong relo at napaungol saka napatakip sa mukha ko gamit ang mga palad. I missed lunch.

Napabangon ako sa kama ng kumalam yung sikmura ko. Nakita ko yung mga gamit namin na nasa gilid pa rin at mukhang hindi nagalaw.

Hindi ko talaga maaasahan ang babaeng yun pagdating sa pag-aayos ng mga gamit namin. Himutok ko habang bumababa ng kama.

"Nasan na naman kaya yun?" Pabulong na tanong ko sa aking sarili.

Mag-aalas kuwatro na pala ng hapon. Ang tagal ko palang nakaidlip. Nope. Hindi na pala yun idlip lang, kundi tulog na yun.

Sabagay, di ko naman masisisi yung katawan kong pagod at maghanap ng pahinga. Puyat ako kagabi dahil sa trabaho. Madaling araw na nga kami nakauwi galing sa bar.

Hindi na ako nag-abalang magbihis ng lumabas ako ng kuwarto. Yung suot ko ng dumating kami dito yun pa rin. Nasa bandang dulo yung kuwartong inukupahan namin ni Sev. Sa may west wing ako dumaan at may mangilan-ngilang guests akong nakakasalubong.

Asan na kaya yun? Nagugutom na ako...

"Sabine!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Ate Vicky." May tipid na ngiting bigkas ko ng malingunan ko siya at huminto sa paglalakad.

"Kumusta ang pahinga mo?" Magiliw na tanong niya sa akin. "Sabi kasi ni Seven ang sarap daw ng tulog mo kaya hindi ka na niya ginising kaninang lunch."

"Okay lang naman ate." Tugon ko sa kanya. "Alam mo po ba kung saan nagpunta si Seven?"

Napaisip siya. "Huli ko siyang nakita sa may kakahuyan." Saad niya. "May tree house kasi siya doon."

Bigla namang pumasok sa isipan ko yung nakita kong tree house din sa likod ng villa. So mahilig pala talaga siya sa tree house?

"Uhm... sige ate puntahan ko muna siya." Sabi ko.

"Kain ka muna kaya. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya.

G na G na nga te eh. Isasagot ko sana kaya lang bigla naman akong nahiya dito. Kay Seven na lang ako uungot ng pagkain.

"Ah... mamya na po siguro ako kakain ate. Hanapin ko lang po muna si Seven." May tipid na ngiting sabi ko.

Napatango-tango siya. "Okay sige."

At nagpaalam na ako sa kanyang magtutungo na ng kakahuyan.

Ang ganda dito, ang sariwa pa ng hangin. Sa bandang likuran ng resort ang eco park. At sa iba pang lupain ng resort ay ang iba't ibang laki na ng swimming pool at naggagandahang kuwarto.

Napangiti ako ng marinig ko yung huni ng mga ibon na animo'y nagkakantahan habang nasa itaas sila ng mga naglalakihang puno ng mahogany, narra at iba pang klase ng punong kahoy.

"Hey, what are you doing here?" Mabilis akong napalingon kay Seven na papalapit na sa akin.

Nakita ko sa likod niya yung malaking puno na may spiral staircase papunta sa taas. Napansin ko din na may mga kasama siyang nanggaling sa taas. Puros naka-uniform na empleyado ng resort.

"Anong ginawa mo dun?" Salubong ko sa kanya sabay nguso sa may tree house na pinanggalingan niya.

"Nothing." Maikling sagot niya saka napamulsa sa suot na parang cargo shorts.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon