Chapter 23 More Than Words

27.2K 1.3K 135
                                    

"Intimacy's territory is found in the deep bond of knowing between lovers. It's about hearts that aren't afraid to be naked with each other."

Sabine POV

"What?"

Bahagyang napasulyap sa akin si Seven habang nasa biyahe na kami pabalik ng bahay mula sa pamamalengke.

"Wala lang." Sagot ko. "Mas bagay pala sayo ang nakangiti."

Kanina ko pa kasi napapansin na parang napapadalas ang pagngiti niya ngayong umaga. Bibiruin ko sana siyang maganda yata yung gising niya kaya lang ayokong sirain yung magandang mood naming dalawa.

Mas umaamo kasi yung mukha niya kapag ganung ngumingiti siya. Parang nagiging approachable din yung aura niya. Hindi yung palaging pormal at seryoso ang mukha niya.

"Nice try, Miss Luna." Naka-smirk na saad niya. "Next time try harder... hindi mo ako mabobola sa paganyan-ganyan lang."

Natawa ako ng mahina. "Nasubukan mo na bang mag-joke man lang?" Amused na tanong ko sa kanya.

"Mukha ba akong joker?" Ganting tanong niya.

"Alam mo, ang sarap mong batukan minsan." Bigkas ko. "Nakakainis ka." Ang galing kasi niyang mambasag ng trip.

"Dapat masanay ka na." Saad niya na naka-smirk pa rin habang nakatuon lang ang pansin sa kalsada. "Dahil habang buhay mo na akong makakasama."

"Ha-ha, matatawa na ba ako niyan?" Ganti ko din sa kanya.

Napailing-iling lang siya habang nakangisi pa rin bilang sagot.

Pagdating namin sa bahay, wala na naman si inay. Sigurado ako, nasa sugalan na naman yun. Haist... di na ba talaga siya magbabago?

Tinulungan ako ni Seven mag-prepare ng lulutuin ko para sa pananghalian. Kaya lang, kada galaw niya, nagtatanong siya sa kung anong dapat niyang gawin. Ang kulit!

"Seriously, Seven?" Nakapameywang na hinarap ko siya ng maisara ko yung kaserola. Pinapalambot ko na kasi yung karne ng baboy. "Ako na lang dito, doon ka na lang sa labas." Saad ko. "Mas napapagod pa yata ako sa kakasagot sa mga tanong mo kaysa sa pagluluto eh."

"Paanong cut ba ang gagawin ko dito?" Pambabalewala niya sa reklamo ko.

Napatingin ako sa labanos na hawak niya. Nahiwa ko na yung gabi at nai-ready ko na yung iba pang isasahog ko, yung kaninang hawak pa niyang labanos hanggang ngayon di pa rin niya nai-slice.

"Akin na nga yan." Sabay kuha sana sa labanos pero iniiwas niya iyon sa akin.

"Ako na, sabihin mo na lang sa akin kung anong gagawin ko dito." Sagot niya at parang di pinansin yung reklamo ko.

"Ako na!" Aagawin ko na sana yun kaya lang itinaas niya. "Seven!"

"Sabihin mo na kasi." Natatawang sabi niya habang pinipilit kong abutin yung kamay niyang may hawak sa gulay.

"Akin na kasi yan." Nakahawak ako sa dulo ng damit niya habang napapatalon-talon pa ako sa pag-abot dun sa labanos.

Sa tangkad niya, hindi ko yun maabot kung di ako tatalon. Ang kulit din niya eh!

"Seven, ano ba?!" Di pa rin sumusukong bigkas ko.

"Kunin mo 'to sa akin kung kaya mo." She challenged me.

"Ibigay mo na kasi. Yung niluluto ko o!" Nakatingalang sabi ko.

Mabilis niya akong hinalikan sa labi dahilan para matigilan ako. Kunwari ko siyang pinaningkitan ng mata dahilan para mas lalo pa niya akong pagtripan.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon