Chapter 26 First Misunderstanding

26.1K 1.2K 85
                                    

"When nails grow long, we cut nails not your finger. Similarly when misunderstanding grow up, cut your ego not your relationship."


Sabine POV


Kanina pa ako lihim na nagngingitngit dito kay Seven. Paano, sapilitan ba naman akong pina-oo para ma-engaged sa kanya. Ganun na ba ngayon ang bagong paraan ng pagpro-propose? Wala man lang ka-sweet sweet. Hay naku!

Lahat ng babae, inaasam at pinapangarap magkaroon ng mala-fairytale na love story o di kaya yung mala-pelikulang proposal. Hindi yung katulad ng ginawa ni Seven. Hmp.

My God! Ang sarap talaga niyang tirisin!

"Sabay na tayong umuwi mamya pagkatapos niyong tumugtog." Sabi niya sa akin ng tumigil na yung sasakyan niya sa may parking lot ng bar. "And don't you dare take that ring off of your finger."

Hindi ako kumibo. Simula pa kanina hindi ko na siya kinikibo. Hinahayaan ko lang siyang magsalita mag-isa.

"Are we clear, Sabrina?" Tanong niya sa akin.

Still, di ko pa rin siya kinakausap o tumitingin man lang sa kanya. Tinanggal ko yung seatbelt ko and unlock the car door.

"Sabine." Tawag niya ulit sa akin.

Bumaba ako ng kotse ng hindi ko siya pinapansin. Tuluy-tuloy lang akong naglakad patungo sa loob ng bar. Nasa stage na yung ibang mga kasamahan ko. Kumaway pa sila sa akin ng mapansin ako at tipid na ngiti at bahagyang tango lang ang isinagot ko sa kanila.

Maglalakad na sana ako papunta sa stage ng pinigilan ako ni Seven sa braso. "Why are you not talking to me?" Halos magsalubong na yung kilay niya.

"Bitawan mo 'ko." Mahina ngunit may diing sabi ko sa kanya.

"Answer me first." Seryoso ang mukhang ganti niya.

Pilit kong inagaw sa pagkakahawak niya yung braso ko. At bago ko siya tinalikuran, isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ko sa kanya. She maybe took it as a sign that I don't want to talk to her right now.

Buti naman. Ayoko muna siyang makausap sa ngayon.

May pagtataka sa mga mata ng mga ka-banda ko ng lumapit ako sa kanila. Wala pa si kuya Lorenzo at Karl. Di naman nakaligtas sa paningin ko yung lihim nilang tinginan sa isa't isa.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin bunso?" Si kuya Randy.

Naupo ako sa monoblock chair sa tabi ni Reina at ibinaba sa tabi ko yung backpack na dala-dala ko. Napabuntong hininga ako saka nag-angat ng tingin sa kanila. Nasa akin ang atensyon nilang apat.

"N-nagsinungaling ako sa inyo." Amin ko sa nagawang paglilihim ko sa kanila.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa akin ni Reina na hinawakan yung kamay ko.

"Tama ba yung hinila ko?" Singit naman ni Aika.

Mabagal at matamlay akong tumango sa kanya. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng bar, pero wala doon si Seven. Marahil nagpunta sa loob ng maliit na opisina niya dito.

"Hindi totoong boss ko si Seven." Nakayukong sabi ko. "G-girlfriend ko siya."

Narinig ko yung pagsinghap ng iba at yung iba naman ay tahimik lang at marahil sinarili na lang ang anumang opinyon.

Naiiyak na nag-angat ako ng mukha sa kanila. "I-I'm so sorry... kuya Randy..." Malungkot na bigkas ko. "Kuya Allen, Reina...Aika..." Isa-isang hingi ko ng sorry sa kanila. "N-natakot kasi ako..." Tumulo na yung luha ko. "Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa inyo."

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon