Chapter 9 Behind Her Name

27.2K 1.3K 295
                                    

"Making me feel like you want me badly is one of the sexiest, most flattering things you can do to me."


Sabine POV


Tinanghali na ako ng gising. Hindi ko na kasi alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng sitwasyon ko ngayon. Pero aaminin ko, I felt relieved when Seven came to my rescue. Ang iisipin ko na lang ngayon ay yung consequences ng pagtawag ko sa kanya. We both know the meaning of it. Iisa lang ang ibig sabihin nun, ang pumapayag na ako sa proposal niya.

Napabangon ako sa kama at napahilamos gamit ang mga palad ko. Naigala ko ang mga mata ko sa loob ng kuwarto. Pakiramdam ko tuloy nasa first class hotel room ako.

Bumaba na ako ng kama at nagtungo sa banyo para mag-toothbrush. Hindi pa ako nag-a unpack ng mga gamit ko. Hindi pa naman kasi kami nakakapag-usap ni Seven kung ano bang magiging setup namin.

Lumabas na ako ng kuwarto, may nakasalubong akong kasambahay na kaedad lang siguro ni inay. May hawak na duster.

"Magandang umaga ho ma'am." Bati niya sa akin.

"M-magandang umaga din po." Di ako sanay na may tumatawag sa akin ng ma'am.

Bumaba ako ng hagdan at saktong palabas naman ng kusina si nana Lorna.

"O Sabine hija. Buti gising ka na." May ngiting bati niya sa akin.

May katandaan na si nana pero bakit mas pinipili pa rin niyang magtrabaho dito sa villa? May kanya-kanya na namang trabaho ang kanyang mga anak. Kung tutuusin, wala na siyang problema pagdating sa pera o sa mga pangangailangan niya dahil kaya namang tustusan yun ng kanyang mga anak kahit pa sabihing may kanya-kanya na ding pamilya ang mga ito.

"Magandang umaga ho, nana." Bati ko din sa kanya. "Pasensya na ho, tinanghali ako ng gising."

"Walang problema." Balewala niya. "Halika na sa kusina. Ibinilin ni Seven na pakainin ka namin paggising mo."

Napangiti ako sa loob loob ko sa sinabi ni nana. "Nasan na po pala siya?"

Iginiya niya ako papuntang kusina. "Hay naku, maaga yun nagpunta sa opisina." Sabi niya.

Naupo ako sa harapan ng hapagkainan. Ang haba ng lamesa nila, si Seven lang naman yata ang kumakain dito.

"Si Seven lang po ba ang nakatira dito?" Curious na tanong ko habang kumakain na ako ng brunch. Breakfast and lunch ko na kasi 'to.

"Oo." Tipid na sagot ni nana.

"Wala ho ba siyang kapatid? Yung mga magulang po niya?" Madami akong gustong malaman tungkol sa kanya.

"Nag-iisang anak lang si Seven. At ang mga magulang naman niya, matagal nang yumao." Kwento niya.

"Matagal na ho ba kayong naninilbihan sa kanya?" Tanong ko pa.

"Oo. Simula pa noong mag-asawa ang kanyang ama, dito na ako naninilbihan sa mga dela Fuerte. At nang ipinanganak si Seven, ako na ang isa sa mga nag-alaga sa kanya kapag wala ang kanyang mga magulang at abala sa trabaho." Tugon niya.

Madaming naikwento sa akin si nana. Kaya pala Seven ang pangalan niya dahil Alfonso dela Fuerte VI ang kanyang ama. Since hindi naman siya lalake at di nila maidugtong yung VII sa pangalan niya, kaya pinangalanan na lang siyang Seven.

Nag-iisa pala siyang taga-pagmana ng mga dela Fuerte kaya naman pala ganun na lang siya kayaman. Ang dami din pala niyang negosyo at mga pag-aaring lupain.

Parang may gusto sanang itanong sa akin si nana Lorna pero nag-hesitate siya at di na itinuloy.

Naglibot-libot ako sa villa pagkatapos kong kumain. Bawat sulok yata ng bahay at bakuran ng villa ay sumisigaw sa karangyaan. Pati ang rectangular shape na swimming pool sa kanang bahagi ng malawak na bakuran ng bahay ay di rin papatalo sa karangyaan at para pa akong inaanyayahan ng malinis at malinaw na tubig nito na maligo doon.

Royal Blood Series: EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon