Twenty Two Point Two

1.5K 49 0
                                    

Sa mabagal na mga hakbang, bumalik na si Jane sa waiting shed. Ni hindi gustong maalala ni Jane ang duyan sa bahay kaya nilampasan niya iyon ng tingin. Tahimik siyang umupo sa tabi ni Pierre. Walang reaksiyon ang lalaki, nakatingin lang sa dilim. Sa liwanag na umaabot sa kanila, pansin ni Jane na wala sa lugar ang isip nito.

May naisip siyang gawin. Inilabas niya ang smartphone at nag-compose ng text message.

Handsome! Ang text message niya kay Pierre. Nag-vibrate ang smartphone nito. Sinadya ni Jane na magpanggap na walang alam. Nagkunwari siyang nakatingin sa kaliwa nila kung saan ay may mga alitaptap sa puno.

Narinig niya ang message alert ng kanyang smartphone. Pinigil ni Jane ang pagngiti nang makitang si Pierre ang nag-text.

Yes, pretty? Ang reply nito. Sa halip na tumingin kay Pierre, pinili ni Jane na makipag-palitan na lang ng text messages.

'Di pa tayo uuwi?

Gusto mo na ba?

Ikaw?

Bored?

Hindi naman.

Dito muna tayo, Jane.

Okay.

Come here.

Where?

Wala nang sagot si Pierre kaya nag-angat na ng tingin si Jane. Sinalubong nito ang mga mata niya kasunod ang pag-ayos ng upo. Ibinaba nito ang mga paa, niyuko ang space sa tabi.

Ngumiti si Jane. Walang pagdadalawang-isip na lumapit at umupo sa space sa tabi nito. Umupo sila na nakaharap sa madilim na kakahuyan. Nakikita ng dalagita ang pagkislap ng mga alitaptap ilang metro mula sa kanila. Walang buwan nang gabing iyon kaya kitang-kita sa dilim ang mga mumunting kislap.

"Ang cute ng mga fireflies," sambit ni Jane. Sa kabila ng sitwasyon ay naging romantic para sa kanya ang gabing iyon dahil katabi niya si Pierre.

Wala siyang narinig mula kay Pierre pero naramdaman ni Jane na hinaplos nito ang buhok niya. Hindi na pinigilan ng dalagita ang sarili, kumapit siya sa braso nito kasunod ang maingat na paghilig ng ulo sa balikat ng lalaki.

Nang mga sumunod na sandali ay napapangiti na si Jane habang nakikinig sa mga sinasabi ni Pierre tungkol sa alitaptap at kung bakit kumikislap ang mga iyon.


Marked Hearts (COMPLETED.Published)Where stories live. Discover now