Chapter 9: Lubang

601 58 2
                                    

Malaki ang kinatitirikan ng ancestral house ng Mayor ng Lubang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malaki ang kinatitirikan ng ancestral house ng Mayor ng Lubang. Sa harapan ay malawak na bakuran na lupa at damo na napapaligiran ng mga halaman at puno. Hitik sa bunga ng mangga at namumulaklak sa pula't magenta na bougainvillea. Ang antigong bahay ay kulay mahogany, may balkonahe sa ibabaw ng entrance kung saan may Philippine flag na nakatrirk halintulad ng bahay ni Aguinaldo.

Pumarada ang mga Tamaraw van sa bakanteng lote lampas lamang ng gate at nagsibabaan sina Manolo, Lt. Laxamana, at iba pa. Sinalubong sila ng mayor na inaantay na ang kanilang pagdating. Simple lamang ang lalaki na tubong Mindoro, naka-puti na polo at slacks. Maamo ang mukha at sa mga mata, aninag ang malawak niyang karanasan sa buhay. Isang buyido na nangangalahati na sa kanyang sisenta.

"Welcome to Lubang," masayang bati ng alkalde.

Nagkamay sila ni Lt. Laxamana. Hindi karaniwan ang bati nila, may angking respeto sa isa't-isa, partikular mula sa mas nakababatang militar.

"Tinyente."

"Mayor."

Tinuro ng tinyente si Manolo.

"Mayor, ito si Manolo Banlat."

Nagliwanag ang mukha ng mayor nang makita si Manolo, bakas ng matinding paghanga. Kinamayan niya ito nang mahigpit at matagal na tila ba kilalang-kilala niya ito, may init na inilalaan sa isang matalik na kaibigan bagama't magkakakilala pa lamang sila sa unang pagkakataon.

"It is an honor, Mr. Manolo Tablan," sabi ni Mayor. "Tulad mo, I also saw action in the Battle of Mindoro."

Natuwa si Manolo nang malaman ito.

"Anong regiment kayo?"

Tumindig nang diretso ang mayor and with pride, sinabi:

"Guerilla. I was part of the forces that drove the Japanese to the mountains in that battle. Ako, ang aking Enfield rifle and my fellow guerillas. Ang tawag sa amin—the Fighting Filipinos! But, of course, you know this."

Na-impres si Manolo. Alam niya ang exploits ng mga Pilipinong guerilla noong panahon ng digmaan. The Fighting Filipinos, kilala ang katapangan nila sa lahat ng lalawigan. Malaki ang naitulong ng mga ito sa kampanya laban sa mga Hapon.

"Halikayo. Oras na ng hapunan," anyaya ng Mayor habang naglakad tungo sa kanyang tahanan at sila'y nagsunuran.

Sa paligid, naglabasan na ang mga bata na siyang mga apo ng mayor upang maglaro sa malawak na bakuran. Nagaagawan sa plastik na bola at naghahabulan.

"Mga apo ko," turo ng Mayor sa kanila. "Baka isang araw, pagsilbihan din nila ang bansa natin.

Napangiti sila.

Sa bukana ng bahay, naroong nakaabang ang mga malapit na kamag-anak ng mayor, kanyang mga anak at kanilang mga asawa, na naroon upang makilala rin si Manolo o kahit masilayan lamang. Ipinakilala rin ng alkalde ang mga kasambahay, inisa-isa ang pangalan ng mga katulong, driver at hardinero na tila ba parte na sila ng pamilya. Kinamayan ni Manolo ang lahat na kanilang ikinatuwa. Dumiretso sila sa malaking dining area na may mahabang mesang gawa sa narra kung saan sila naupo. Sa kabisera ang Mayor at sa magkabila niya'y sina Manolo at Lt. Laxamana. Sa bahagi ni Manolo sina Beth, Paula at Robert, habang kay Laxamana ay kanyang mga sundalo. May ilang kamag-anak ni Mayor ang nakisalo sa kanila.

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon