Chapter 19: Ang Balsa

521 57 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naglalakad sina Manolo at Kenji paloob sa gubat ng isla. Hawak ni Kenji ang samurai at nasa mga mukha nila na may mahalaga silang pakay.

Nang bumalik sila matapos ang ilang oras ay tangan-tangan na nila sa kanilang mga balikat ang naghahabaang mga bamboo poles. Sa loob ng gubat sila'y naglagi para magtabas ng mga kawayan at ngayo'y dala ang pagkarami-rami nito, at ilang beses silang nagpabalik-balik para magtabas at manguha pa.

Nang kuntento na sa dami ng mga kawayan ay kanila itong inilatag at inihilera sa patag na buhangin. Kanila itong binilang at inihiwalay ang malalaki sa mas maliliit. Ginuhit ni Kenji sa buhangin ang magiging pagkakapares ng mga ito at ang porma ng konstruksyon ng kanilang balsa—ang sinasabing raft ni Kenji.

"This one and that one," turo ni Kenji.

Kanilang ipinorma ang mga kawayan, ang mahahaba at malalaki sa gitna, at ang mas maliit ay pasaliwa sa mga ito at magsisilbing pampatibay.

Bumalik si Manolo sa gubat habang pinaplano pa ni Kenji ang konstruksyon ng balsa, at nang bumalik ang Pilipino ay dala nito ang mahahabang baging, na kanilang gagamiting panali. Matibay ang mga baging na nagmula pa sa pinakamalaking mga puno sa puso ng gubat—ang pinakamatatandang puno ng isla.

Pinag-aralan nilang mabuti ang gagawing balsa dahil hindi ito basta-basta. Hindi tulad ng pahabang balsa na pang-ilog, ang parisukat na balsang pang-tubig-alat ay mas malaki pa sa karaniwan. At nangangailangang mas matibay pa sa mga iyon. Isang balsa na kakayanin na tumawid sa malawak na karagatan ilang milya ang layo at labanan ang naglalakihang mga alon.

Nagkatinginan ang dalawa at nagpalitan ng mga tango, senyas para umpisahan na nila ang paggawa ng balsa.

Inabot sila ng buong araw sa pagtatali ng mga kawayan, sinigurado na mahigpit ang pagkakagawa. Nang mabuo nila ang base ng balsa ay nilagyan nila sa gilid ng mga harang na magsisilbi ring hawakan. Ilang beses din silang nagpahinga at pinagmasdan ang nililikha. At ilang beses din silang nagkainitan ng ulo. Nguni't, nang kanilang matapos na ang balsa sila'y masayang nagsipagtalon at nagkamay.

Kinabukasan, ay sinigurado pa nila ang mga pagkakatali, at kanilang sinubukan ang tibay sa dagat. Tampok ang malalaking alon ng araw na iyon at mabuti iyon para malaman ang kartada ng kanilang sasakyang pandagat, at sila'y nakuntento na ito'y matibay, at sea-worthy.

#

Kinagabihan. Nakadaong ang raft sa taas ng aplaya, magkapanayam sina Manolo at Kenji sa may bonfire, naliliwanagan ng apoy ang mga siryosong nilang mukha habang kumakain ng tulya at isda. Mabituin ang langit at nagnininigning ang mga bituin. Tinuro ni Kenji ang mga bituin at constellation.

"Look! That is the constellation called Big Dipper," aniya.

Sa itaas na bahagi ng Big Dipper ay isang maliwanag na bituin.

"And that is the North Star," patuloy ng Hapon.

"You learn this in pilot school?" manghang tanong ni Manolo.

"Yes."

Napaisip si Manolo at pinagaralan ang kalalaman pa lamang.

"Kung 'yan ang Hilaga, ibig sabihin..." turo ni Manolo sa North Star, at ibabaling ang atensyon sa malawak na dagat. "Doon ang Silangan."

"Yes. Silangan. East," pagsang-ayon ni Kenji.

"East," ulit ni Manolo sa wikang Hapon.

"That is also where sun rises. That is where we must go," pagpasya ni Kenji.

"There we will find Negros islands," sabi ni Manolo.

"Yes. "

Sumubo sila ng pagkain.

"We have one problem," ulat ni Manolo.

"Ano?" tanong ni Kenji.

"Wala tayong panglayag."

Sumenyas si Manolo sa kamay para mailarawan ang gustong sabihin. Nguni't, hindi ito agad mahuli ni Kenji.

"Sail. We don't have sail," paliwanag ng Pilipino.

"Oh!," intindi ng Hapon. "Yes. You are right."

""Pag wala tayong layag baka maanod tayo pabalik ng China Sea."

Malakas ang ihip ng hanging gabi at naramdaman nila na dumapo ito sa kanilang mga mukha, at nilipad ang kanilang mga buhok. Nang hawiin ni Kenji ang kanyang buhok ay napatingin siya sa mga puno ng niyog at nagkaideya.

"There! " turo niya. "We can use the coconut leaves!"

Dumuduyan sa hangin ang malalaking sanga at dahon ng mga punong niyog. Lumalaban sa ihip ng hangin.

"We must leave when the wind goes to that direction. Sasabay tayo sa hanging habagat," sabi ni Manolo.

"Habagat?" pagtataka ni Kenji.

"Southwest Monsoon. Para maitulak tayo ng hangin."

"Yes. Southwest Monsoon. The wind will push us towards the East."

"That is July to October," naisip ni Manolo. "That is also rainy season. Storms and Typhoons."

Napatango ni Kenji sa pagintindi. "We have no choice. We must risk it."

Sumang-ayon si Manolo. Kailangan nila ang hanging habagat, nguni't sa likuran ng kanyang isipan ay may nadarama siyang pangamba—na baka hindi nila kayanin ang binabalak. Napatingin siya sa madilim na karagatan at tila hinahamon siya nito. Subukan mo, kung kaya mo wari'y sabi nito sa kanya. Sa gabi, lalong nagmukhang walang hangganan ang dagat pagka't walang liwanag sa dulo nito, kundi'y kadiliman. Nang matulog sila ng gabing iyon, dinig ni Manolo ang mabilis na pintig ng kanyang puso.

Kinabukasan ay nagtabas sila ng mga sanga ng puno ng niyog, pinili nila ang pinakamalaki at inihanda para gawing layag ng kanilang balsa. Pagkatapos ay naghanda sila ng mga gamit, ng mga provisions para sa kanilang paglalakbay—tubig at mga kakainin. Hinanda rin nila ang kanilang mga kagamitan, ang baril at samurai, ang speargun at goggles, at gumawa ng fishing pole sakaling magtagal sila sa dagat.

Handa na ang lahat at ang kulang na lang ay ang pagdating ng hanging habagat.

At sinumulan nila ang paghihintay.

"Now, wewait," ani ni Manolo.


NEXT CHAPTER: "Ang Kalabang Mortal"

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon