Chapter 22: Mag-isa sa Isla

546 60 7
                                    


Mataas ang sikat ng araw sa isla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mataas ang sikat ng araw sa isla. Malakas ang hangin mula sa karagatan at ang mga alon ay humahampas sa dalampasigan, sunod-sunod at walang humpay. Mahahaba ang aninong ginagawa ng mga puno ng niyog sa buhangin, at sa lilim ng malalaking sanga nito'y naroon si Kenji dala ang kanyang samurai.

Iniisa-isa ng Hapon ang mga nagpatak na buko, na karamihan na sa kanila'y kulay na ng lupa, maitim na kayumanggi na tulad na ng balat ni Kenji. Dinampot niya ang isang buko at inalog sa tenga, at mabilis ding itinapon. Dumampot siyang muli ng panibago at tulad ng nauna'y dismayadong inihagis, na may kasama pang mura.

"Kuso!" sigaw ni Kenji.

Lahat na ng buko'y tuyot na. Wala nang mapapakinabangan o makakain sa mga buko sa isla, at matagal pa bago ito mamunga ng bago.

Nagdadabog na naglakad tungo ng gubat si Kenji, winawasiwas ang samurai sa madadaanang mga halaman.

"Chikusho! Shit! Shit!" paulit-ulit niyang sabi.

Sa gubat ay wala rin siyang nakitang bukong hinog kung kaya't nakuntento na lamang siya sa pagbubunot ng mga nakakaing ugat at nakatsamba ng ilang kabute.

Sa ikaapat na araw mula nang makabalik si Kenji sa isla ay bumagyo ng pagkalakas-lakas, at dahil wala si Manolo'y nahirapan siya na mag-isang panatilihing tirik ang silungan, kung kaya't tuluyan itong nasira. Nguni't, nang lumipas ang bagyo'y itinayo muli ito ni Kenji mula sa paa hanggang tuktok na tatlong araw niyang pinaghirapan, at nang matapos, ang panibagong silong ay mas matibay pa kaysa sa dati.

"Ha! Look! Manolo! I did it!" pagmamayabang ni Kenji sa sarili.

May biyaya namang dinala ang bagyo pagka't inanod sa dalampasigan ang mga patay na isda. Malaking benepisyo ito pagka't wala na ang speargun at goggles, at hindi na makapagsisid ng mainam si Kenji hindi tulad ng dati. Biyaya rin ng bagyo na nagsulputan ang panibagong mga tulya, iba'y nakakapit sa gilid ng mga bato, at naglitawan ang mga talangka sa buhangin. Dahil dito'y hindi naging problema ni Kenji ang pagkain sa mga sumunod na mga buwan.

#

Gabi. Mabituin ang langit. Maliwanag ang bonfire. May kalamigan kung kaya't pinapainit ni Kenji ang kanyang mga kamay sa apoy

"It's cold," aniya. "Tomorrow we will chop more firewood. Okay? "

Tumingin siya sa paligid na para bang may kausap. Nguni't, ang kasama lamang ay kadiliman at sarili niyang anino.

Tumango siya sa sarili.

"Okay!"

Hinipan niya ang mga kamay at nadama ang init ng sariling hininga. Pagkatapos siya'y umawit at tumula pa nang buong lakas. Ngayong wala na ang kaibigang Pinoy ay kaya niyang maglakas ng boses na walang magrereklamo. Maaari na niyang gawin ang gusto niya. Walang mangungutya. Walang tatawa.

Walang tatawa.

Bigla siyang nasabik sa halakhak ni Manolo. Biglang hinanap niya ang boses nito. Ang kanyang mga kuwento. At siya'y dinapuan ng lungkot.

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon