Chapter 16: Tungo sa Isla

518 60 0
                                    

Nang dumilat si Robert ay tumumbad sa kanya ang nakabukas na TV sa palabas na Student Canteen, na pinapanood ng ilang mga sundalo na nakaupo mga naka-squat sa kahoy na sahig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang dumilat si Robert ay tumumbad sa kanya ang nakabukas na TV sa palabas na Student Canteen, na pinapanood ng ilang mga sundalo na nakaupo mga naka-squat sa kahoy na sahig. Sa isang banda ng sala, ay naroon sina Beth at Paula, nakaupo sa supa at abala sa pagaayos ng kanilang mga kagamitan tulad ng camcorder, microphones, tapes, at iba pa.

"Sa wakas, nagising na din ang Prince Charming!" mataray na sambit ni Paula. "Halika dito at ayusin natin ito!"

Pungay pang mga mata na tumindig si Robert para tulungan ang dalawa sa paghahanda sa napipinto nilang pagpunta sa isla.

"O bilangin mo 'yang mga bala," turo ni Beth sa mga videotapes. "At nagcharge ka na ba ng mga baterya?"

"Oo naman! Ako pa!" pagyayabang ng cameraman. Tutoo naman. Bago humimbing sa sala'y naisaksak na niyang mga battery pack sa outlet. Kulokoy man ang cameraman ay disiplinado ito pagdating sa trabaho.

Maya-maya'y napadaan si Manolo at napahinto para tignan sila.

"Puro makabago ng mga gamit n'yo," pansin niya. "Noong panahon ko wala pang mga ganyan."

Itinaas ni Robert ang camera niya para ipagmalaki.

"Ang tawag dito, sir Manolo, ay Betacam recorder. Analog ito, high-def video. Ito ang latest!"

At ipinakita pa niyang Betacam cassette.

"At ito ang bala niya, parang yung sa Betamax lang."

Umiling lamang si Manolo, hindi siya ganoon ka-pamilyar sa mga bagay na naririnig.

"Narinig ko na yang Betamax," sabi ng matanda. "Iisa lang sa bayan namin ang may ganyan, at maraming ngang nakikinood ng mga pelikula. Wala din naman kasing sinehan sa amin."

"Ito ang future, sir," kasunod na sabi ni Robert. "Meron ka lang Betamax player sa bahay, parang may sinehan ka na din."

"Iba pa din 'pag manood ka sa sinehan, 'di ba, sir?" singit ni Paula, para lang ma-kontra si Robert.

"Oo, naman," sang-ayon ni Manolo.

At napunta na ang atensyon ni Robert sa crush niya.

"Talaga lang ha? Bakit tuwing yayayain kita manood ng sine, tinatanggihan mo ko?" baling nito sa dalaga.

At si Beth ang sumagot.

"Kasi hindi ka niya type! Kwidaw siya sa mga tulad mo! Daw!"

"Tutoo ba yun? Dehins mo ko type?" simangot ni Robert kay Paula.

Hindi sumagot si Paula.

"Dahil ba burgis ka at isa lang akong hamak na jeproks na cameraman?" may dramang patuloy ni Robert.

Nagpamewang si Paula.

"Hoy tigilan mo nga ko ng kaartehan mo!" inis na bulalas ng reporter. "Dalian mo d'yan at magre-rehearse pa tayo."

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon