Chapter 18: Ang Desisyon

533 53 0
                                    

Nakahilata si Kenji sa buhangin at nagpapa-araw, ang dalawang mga kamay niya'y nakaipit sa kanyang uluhan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakahilata si Kenji sa buhangin at nagpapa-araw, ang dalawang mga kamay niya'y nakaipit sa kanyang uluhan. Katamtaman lamang ang init ng araw, may makakapal na ulap sa kalangitan, at may preskong ihip ng hangin. Habang nakapikit ay abot hanggang langit ang ngiti sa kanyang mukha sa pagwawaging muli sa chess at tanghalin ang sarili bilang:

"Ahh...champion," muni niya sa sarili.

Nguni't, masisira ang siyesta niya nang nagkakandarapang tumatakbo papalapit si Manolo, dala ang panghuli at mga isda...at ang mahiwagang papel.

"Kenji! May nakita ako! " sigaw ni Manolo sa wikang Hapon.

Dagliang bumangon si Kenji. Nagtataka. Halos tumalon si Manolo sa kanyang pagmamadali, at nang makarating sa kaibigang Hapon ay agad na ipinakita ang papel—ang flyer. Napatayo si Kenji, nanlalaki ang mga mata habang hawak ang papel.

"What is this?" gulat na sabi ng Hapon.

"Look!" turo ni Manolo. "It says I Cease Surrender."

"Yes. I can read," simangot ni Kenji.

Hindi halintulad ni Manolo, hindi ganoong kasabik si Kenji, bagkus ay may pagdududa sa papel na kanyang hawak.

"Read! Translate!" tinuro ni Manolo ang mga nakasulat sa wikang Hapon.

Atubiling binasa ni Kenji ang sulat-Hapon na sinalin niya sa wikang Inggles.

"Imperial Japanese Forces on Lubang Island..." panimula niya. "Our soldiers have taken the island of Mindoro...We respect your courage and determination...Throw down your arms and surrender...Use this paper as a safe-conduct pass and you will be treated well by American soldiers...Many brave Japanese soldiers have already surrendered..."

Nagliwanag ang mukha si Manolo.

"Nakuha na namin ang Mindoro!" masaya niyang sabi. "Nanalo na kami!"

Hindi niya pansin agad na nagbago ng expresyon si Kenji. Nalungkot ito.

"Mabuti ito! Ibig sabihin matatapos na ang digmaan! " bulalas pa ni Manolo, at itinuro ang hawak na flyer ni Kenji. "That is our way out! Magsisilbi 'yang daan para makabalik tayo! Basahin mo pa!"

Nguni't, tila nabingi na sa kanyang mga sinasabi si Kenji, pagka't napagtanto nito na:

"This means Japan lost," sabi ni Kenji at bumagsak ang kanyang balikat.

At ngayon lang din napansin ni Manolo at naisip iyong bagay. Lumapit siya sa kaibigan at nilapat ang kamay sa balikat nito.

"I'm sorry," sabi ng Pilipino.

Malungkot na tumango lamang si Kenji.

"Sigurado naman ako...I'm sure that the Americans will accept your surrender," patuloy ni Manolo. "I will help you, I will talk to the Americans..."

Nguni't, nang mabanggit ni Manolo ang mga Amerikano, ay biglang may pumasok sa isipan ni Kenji, at nanlaki ang kanyang mga mata.

"The Americans!" may ngitngit niyang sabi.

"Ha? Ano?"" pagtataka ni Manolo.

"This is American propaganda!" galit na sigaw ni Kenji habang pinapakita ang flyer sa kanyang kamay. "American propaganda!"

"Ano?" Nagtatakang sabi ni Manolo.

"Japan will never surrender!" sigaw ni Kenji, at nahuli ni Manolo ang gustong sabihin ng kaibigan. "This is a lie!"

"No, my friend..." pagawat ni Manolo.

Nguni't hindi na mapigilan ang galit ni Kenji. Nilukot niyang papel at itinapon sa buhangin, at galit na naglakad paalis.

"This is a lie! American lie!" sigaw pa niya at siya'y masigasig na naglakad papalayo.

"Kenji!" tawag ni Manolo, nagtataka. "Kenji!"

"American lie!" ulit pa ng Hapon.

Hinabol ni Manolo si Kenji.

"Okay, lie or no lie, we need to leave this island!" sabi ni Manolo. "We need to go back to our families! May pamilya ako at ikaw din. "May asawa ka't anak! Setsuko and Ichiro!"

Natigilan si Kenji at napatangin kay Manolo. May sandaling umikot sa isipan niya ang mungkahi ni Manolo. At sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang asawa't anak ay tumimbang ang mga ito sa kanyang desisyon. Nakita rin niya sa mukha ni Manolo ang matinding pagnanais nito na makaalis ng isla at makabalik sa kanya ding pamilya. Anong karapatan niya para ipagkait ito sa kaibigan? Gayunpaman, nagtatalo pa rin sa isipan niya kung iyon din ba ang kanyang nais. Sa huli, sadyang nanaig ang kanyang pagiging sundalo.

"No..." sabi ni Kenji, una'y mahina, at kanyang inulit at sinigaw, "NO!"

At siya'y tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad, at kahit na ilang beses na tawagin ni Manolo ay hindi siya huminto.

#

Matapos ang insidente ay ilang oras na hindi nagkibuan ang dalawa. Sinadya ni Kenji na iwasan si Manolo at mapagusapan pa ang tungkol sa nilalaman ng flyer at ang ideya na patapos na ang giyera, at na natalo na ang puwersa ng Hapon. Lubos na dinamdam ito ni Kenji at kanyang kinuha ang speargun at goggles at tumungo sa dagat para manghuli ng isda. Palubog na ang araw nang siya'y nagbalik.

Nirespeto naman ni Manolo ang hangaring mapag-isa ni Kenji at hindi na niya pinursigi pa ang isyu na ito...sa pansamantala. Naisip niya na hindi rin uubra kung napupuno pa ng emosyon ang kaibigan, marahil, sa ibang araw, pagka't marami pa namang araw ang nalalabi sa kanila sa isla. Nguni't, kahit anong mangyari, alam niyang kailangan nilang lumisan. Sa kanyang sorpresa, hindi rin naman nagtagal at si Kenji na ang nagpahiwatig sa kanya.

Kaya noong kalaliman ng hapon, habang abala si Manolo na niluluto ang nahuli niyang isda para ihapunan nila, ay lumapit sa kanya si Kenji.

"Manolo..."

May kalma na sa boses ng Hapon. Wari ito ni Manolo nang kanya itong lingunin.

"You are right, my friend," sabi ni Kenji at naupo sa tapat ng Pilipino. "This is a sign to leave the island."

Nasa paanan ni Manolo ang flyer na nilukot ni Kenji, kanya itong itinabi. Kinuha ito ni Kenji at kanyang binasa muli.

"Anong gagawin natin?" ang kuryosong tanong ni Manolo at siya'y huminto muna sa pagiihaw ng isda.

Binaba ni Kenji ang flyer at tumingin sa kanya nang diretso.

"We will leave this island," sabi ng Hapon.

Napaindak si Manolo. May ngiti sa gilid ng kanyang bibig ang unti-unting nagpapakita. Nguni't, kanya agad itong hinimas palayo dahil siryoso ang usapan.

"Pero, paano?" tanong ni Manolo. "How do we leave the island?"

Muli, may matalas na tingin na binitawan si Kenji.

"We build a raft," ang kanyang sabi.

NEXT CHAPTER: "AngBalsa"

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon