Chapter 20: Ang Kalabang Mortal

537 60 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dumating ang inaasahan nilang hangin sa takdang panahon. Nang sumapit ang Hulyo ay nagparamdam ang hanging habagat, at hindi nagtagal ay binigyan sila ng taglay na lakas na kanilang inaasam-asam.

"Wind is strong," sabi ni Manolo habang hinahangin ang kanyang buhok.

Nakatayo sila sa dalampasigan, nakatingin sa maulap na kalangitan at pinapakiramdaman ang hangin. Sa may buhangin, nakatirik ang mataas na kahoy na may tela na nakatali sa dulo. Hinahangin ang tela sa direksyong Silangan.

Sinilip ni Kenji ang karagatan gamit ang largabista at nakita niyang mahina ang mga alon sa dalampasigan at na sa laot, lumalaban ang hangin sa dating ng alon.

"The waves...not too strong," ani ng Hapon.

"And not too hot," dagdag pa ni Manolo.

"Yes, that is good. We won't get dehydrated," sang-ayon ni Kenji.

Ilang minuto pa nilang pinagmasdan at pinakiramdaman ang hangin at alon, bago sinabi ni Manolo:

"It is time, Kenji."

Nagkatinginan ang dalawa. It is time. Sa munting katagang iyon ay naramdaman nila ang magkakahalong mga emosyon. Pagkatakot. Pagkasabik. Pagkalungkot.

"Yes, Manolo," sabi ni Kenji.

Binigyan nila ang mga sarili ng kaunting panahon para magdasal at humingi ng gabay sa Diyos. At kaunting panahon para magmumi-muni, at panahon din na magpaalam sa isla na naging tirahan nila sa mahabang panahon. Ngayong handa na nilang lisanin ito'y hindi nila naiwasang isipin kung tama ba sila ng desisyon. At may konti silang pagdadalawang-isip. At sa mga utak nila'y lumutang ang mga bagay-bagay.

Gusto ba nilang bumalik sa mundo kung saan may giyera?

Kung saan may kaguluhan...patayan...sakuna?

Sa mundo na malupit sa mga naapi, na may hidwaan ukol sa lipi at relihiyon?

Isang mundong tila nakalimutan na ang Diyos?

O mas nanaisin pa ba nila na lubusin na ang natitira nilang buhay sa isla?

Bagama't bilanggo ng dagat na nakapaligid ay malaya naman sila sa masamang elemento ng mundo. At sa mga puno, buhangin, sariwang hangin at mabituing kalangitan sa gabi'y nakakaramdam sila ng pagiging malapit sa Poong Maykapal.

At kanilang tinimbang ang mga ito, at sa kahuli-hulihan, kapuwa nila napagdesisyunan na bumalik sa sibilisasyon at ito'y dahil sa mga mahal sa buhay nilang naiwan. Nanaig ang pagmamahal nila sa mga ito.

Umaga ng ikalawang araw ay lumayag sila. Habang ang alon ay natutulog sila nagpasiya.

Itinulak nila ang balsa sa dagat. May mga naihanda na silang supplies na nakalagay dito: ang dalawa nilang canteen ng tubig, mga isda at prutas. May dalawa silang malalaking sagwan. Dala nila ang iba nilang mahahalagang mga kagamitan: si Kenji, ang kanyang samurai at baril, si Manolo ang kanyang life vest at largabista.

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon