Chapter 15: Plaka't Mapa

603 57 4
                                    

Nagising si Manolo sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kuwarto, ang guest room na pinagsaluhan nila ni Robert

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising si Manolo sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kuwarto, ang guest room na pinagsaluhan nila ni Robert. Malakas na tugtog na hindi siya pamilyar na awitin. Sa wari niya, ito iyong tinatawag nilang "disco."

Bumangon siya sa higaan at nakaramdam ng konting sakit ng ulo. Gawa ito ng alak ng nagdaang gabi. Matapos nila sa munting museo ni Mayor ay naginuman pa sila sa balkonahe nito kasamang mga kalalakihan at siya'y naparami ng nainom. Matagal na rin siyang hindi nakabarik nang ganoon...

...o nakaranas ng ganoong kasiyahan.

Hawak niyang batok ay kinuha ang pantalon sa kabinet at isinuot sa ibabaw ng kanyang shorts. Naupo siya sa uluhan ng kama at ipinasok ang mga sapatos sa paa. Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kuwarto.

Malawak ang sala ng bahay ng mayor. Kahoy na sahig na alaga sa floor wax. Sinaunang chandelier sa kisame at kahoy na pader na napupuno ng oil paintings.

Tumutugtog ang kantang Tayo'y Magsayawan ng VST & Co. sa plaka. Ikinatuwa ni Manolo na sa paglabas niya ay nadatnan na masayang nagsasayaw sina Paula, Beth at Robert. Ipinagtaka niya na gising na'ng mga ito bago napansin sa orasan na nangangalahati na pala ang umaga, at na siya'y sa kasabihan, ay tinanghali na sa gising. Isa pang bagay na hindi madalas mangyari sa kanya.

Nang makita ni Paula si Manolo ay kanya itong hinawakan sa kamay at inayang sumayaw. Swing. Pinaunlakan ni Manolo sila at sinabayan ang tugtog, nguni't agad na nakaramdam ng kirot sa kanyang tagiliran kung kaya't umayaw din kaagad.

Maya-maya'y dumating si Mayor.

"O gising ka na pala, kaibigan" bati nito kay Manolo.

"At hinihingal," balik ni Manolo na hinahabol pang kanyang hininga.

"Sa edad nating ito. Hindi natin kayang sabayan ang mga tugtugin ng kabataan ngayon," tawa ng mayor. "Halika't mag-almusal ka na muna, maya-maya'y darating na sina Hepe."

"Kayo ba'y kumain na?" baling ni Manolo sa iba.

"Tapos na po," sagot ni Paula habang sumasayaw pa.

"Okay sa olrayt na kami!" singit ni Robert habang pumupuwesto sa likuran ng dalaga kung kaya't siya'y napalo sa braso.

Tumangosi Manolo at naglakad sila paalis ni Mayor, habang patuloy sa kanilang discodancing ang iba.

#

Ang patio ay may magandang tanawin ng karagatan. May munting hardin na may mabulaklak na bakuran. Matapos mag-almusal ng pandesal, mantekilya't iba pang tinapay na may palaman, ay naupo dito sina Manolo at Mayor para mag-kape.

"Ang ganda ng tanawin dito," sabi ni Manolo. "Ibang-iba sa bukid."

"Kung puro dagat ang nakikita mo, hahanapin mo din naman ang bukid o kabundukan," sabi ng Mayor habang hihigop ng kape. "Sa tono ng boses mo," pansin ng mayor. "Tila nami-miss mo ang dagat."

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon