Chapter 10

1.4K 107 5
                                    

Chapter 10

"Mommy where are you going?" Brent asked his Mom, Aria. He woke up hearing some noises early in the morning. Matapos niyang gawin ang dapat gawin, bumaba na ito kahapon at nadatnan ang dalawa na nakanganga at ang ina na nakakunot ang noo. He often sees Aria's furrowed brows and he's guessing that something's hard for her.

"I have to go to school," she shortly replied. Nag-aayos ito ng sarili. Wala pa silang uniporme kaya casual lamang ang sinuot. Pinasuot lamang sila ng damit nila para mas makita na taga ibang mundo sila. Aeron said that there's nothing to be worried about. Kinakailangan makita ng Head Council ang kanilang tunay na katauhan.

"Bakit ka naman pupunta sa school po? You're still studying?"

"I'll be studying."

Nangunot naman ang noo ng batang lalaki. "You stopped?" Puno ng kuryosidad na tanong ng bata.

"I transferred." Mas kumunot ang noo nito. Transferred? Wala ng ibang paaralan dito sa Sahuriya.

"Ang gulo mo naman po kausap Mommy." Tumayo ito at lumapit sa pintuan. "I'll be going out and check my Titas."

Tiningnan lamang siya ni Aria at lumabas na ito. He first went to Tin's Bedroom. Kumatok ito sa pinto. "Tita?"

Bumukas ang pinto at bumungad ang Tin na nakahanda na rin. She was wearing a white blouse and jeans. Nakalugay ang maitim na buhok nito at medyo basa pa. Wala silang blow-dryer kaya tiis tiis sa pagtuyo gamit ang tuwalya.

"Oh, Brent. Why are you here?" tanong ng dalaga sa batang lalaki habang pinupunasan ang buhok ng maliit na tuwalya.

Ngumuso naman ang huli. "Pupunta ka rin po sa school?"

Natutuwa si Tin sa kagwapuhan nito pero may kalungkutan ring nararamdaman. "Yes, baby." Ngayon niya lang naisip na maiiwan na mag-isa si Brent sa bahay. Hindi pa nila alam ang mga batas sa akademya pero parang inaasahan na nila na bawal ang bata doon. Or maybe they can find a way?

"Oh, okay..." tumalikod ito sa dalaga at tinungo ang silid ng Tita Ella. Bumukas kaagad ito at bumungad ang may sabon pa na mukha nito.

"Come inside, Brent." medyo nagmamadaling anito. Bumalik kaagad ito sa banyo at tumunog ang rumaragasang tubig. Lumabas naman ito pagkatapos. She's done taking a bath. Basa rin ang buhok nito at nakabihis na. Kinakailangan na lamang patuyuin ang buhok.

"Why are you in hurry, Tita Ella?" tanong ng bata sa Tita na nagmamadali. Ngumuso naman si Ella.

"I kinda overslept and woke up late. Pero secret lang natin, ha? Papagalitan ako ni Tin kapag nalaman niya na matagal akong nagising," humina ang boses nito at tila bumubulong na lamang sa bata. Tumango naman ang bata.

"Kasama ka po nila?"

"Yes! We're going to the academy," excited na anito. Sinusuklay na nito ang buhok. She'll be wrapping it on a towel after.

"You sound excited..."

Ngumiti naman ang dalagita. "Yes, I am! I'm excited to have new friends. New school means having more friends."

"You like having a lot of friends?" tanong ng bata.

"Uh-uh! Pero ang friends ko forever ay sina Mommy at Tita Tin mo."

"You love them."

"Of course, I do! They're my family." Nagkwentuhan pa ang dalawa hanggang sa lumabas na si Brent at bumalik sa kwarto. Pagbukas nito, wala na ang kaniyang ina.

Humiga siya sa kama.

His thoughts wandered. Maiiwan siyang mag-isa sa bahay. Nakakalungkot naman. Hindi nito maiwasan na malungkot at umasam na isama na lamang siya sa kanila papunta sa paaralan.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now