Chapter 11

1.3K 98 3
                                    


Chapter 11


Ella's POV


"Gising na Ria!" sigaw ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto niya. Kanina pa ako nandito. I've been here and she's been silent since then. Mali-late na kami! Worst, first day of school namin. Hindi naman ata siya namatay sa loob, right? Baka kinain na siya ng kung ano! Jusko. Baka... baka...

Hindi ko na 'to kaya! Binuksan ko ang silid niya. It was empty. Tinungo ko ang bathroom. Baka naliligo o naglalabas ng sama ng loob.

"Ria? Nandyan ka ba sa loob?" I turned the doorknob and it was open. "Aria?" Wala ring tao sa banyo. Binuksan ko ang toilet.

"Aria?"

Nasaan na ba kasi 'yon? Baka na-kidnap nga talaga 'yon. Mas kinabahan ako sa naisip. Baka may nainis na espiritu sa kaniya at kinuha siya para parusahan.

Where the hell is she?

"Oh? Asan na si Ria?" tanong ni Tin ng makababa ako galing sa taas. Tiningnan ko na rin ang walk in closet nito pero walang tao. Pati sa ilalim ng kama niya wala rin ito.

"Nawawala."

"Ha?" pasigaw na bulyaw nito. "Anong nawawala? 1st day natin ngayon kaya 'di dapat tayo ma-late!"

"Aba, malay ko doon! Kanina pa nga ako kumakatok. Walang sumasagot."

"Kung pumasok ka sa loob para icheck?"

"Pumasok ako! Nong binuksan ko naman, walang tao sa loob! Pati toilet, ilalim ng kama, at cabinet chineck ko na pero wala pa rin!"

"Chill lang kayo, guys!" biglang sabi ni Blaise. Nakaupo ito sa sofa at kanina pa-papalit palit ng tingin, nakikinig sa pagsisigawan namin ni Tin. Napapansin ko na parang ang pamamaraan ng pananalita ni Blaise ay katulad sa amin. She's been using expressions that are used in our world. "Kung makasigaw naman kayo, grabe. Huminahon na muna kayo. Baka nauna na 'yon."

"Tara na! Baka tama si Blaise, baka nandoon na 'yon." aya ko sa kanila at hinila silang dalawa. But I can't remove the uneasiness inside me. Nawawala si Aria and we don't know what happened to her! Hindi pa kami sanay sa lugar na ito. We're new here and we don't even know where our classroom is.

I can't contain my excitement! Excited nako makahanap ng bagong friends. Though, okay lang naman kahit wala. I have Tin and Aria naman na. But it's fun to have new friends.

"Ella, why are your hands cold?"

I chuckled awkwardly. "I'm fine! Just excited."

Habang naglalakad, hindi nakaligtas sa akin ang mga kakaibang tingin nila sa amin. Bakit ang weird nilang makatingin sa amin dalawa ni Tin? Parang ngayon lang nakakita ng mga magaganda. Psh. I know we're beautiful but no need to stare at us. My gosh!

Napatingin si Tin sa akin ng mapaubo ako. Medyo nawala na ang tensyon ko. "Oh? Okay ka lang ba?"

"H -ha?" napatanga ako. "Ah... Oo, okay lang ako."

Naku, baka malaman nila kung ano ang iniisip ko. Reading minds is normal to them. Baka may bumabasa sa isip ko. I looked around and saw that they are still looking at us.

"Bakit ba ganyan sila makatingin?"

"Ganyan ba talaga sila tumingin sa mga bago dito?"

Halos magkasabay kami ni Tin sa pagsasalita. Guess we're thinking the same thing! Kung makatingin naman kasi ang mga ito, parang mga alien talaga kami. Some are glaring at us, some are looking at us with confusion and some are looking at us with curiosity. May mga tao naman na walang pake. They weren't looking nor giving attention to us. They were just doing their thing.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now