Chapter 15

1K 88 3
                                    


Chapter 15


Elaiza's POV

"Ate Lai!" Napalingon ako kay Brent nang tawagin niya ako. Naku, talaga naman oh. Ang gwapo gwapo ng batang ito. Ang ganda ng Inay niya eh. Kaya hula ko, sobrang gwapo din ng tatay nito. Pero sino ba talaga ang tatay nitong si Brent? Ang bata pa kasi ni Aria. Ilang taon kaya siya ng manganak siya? She really looks young to be a mom. Kaya sobrang nagulat ako ng ipinakilala itong Mama ni Brent. Parang ate lang siya nito!

"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang, nung unang sinabi ni Kuya Aeron na magbabantay ako ng isang bata, nag-alangan pa ako. Pero nang makita ko si Brent, nagustuhan ko kaagad siya. 'Di yung nagustuhan na crush, love, o kung anu-ano ha. Nagustuhan na bantayan, ganun! Palagi kasi itong nakangiti at nakakahawa ang ngiti nito.

"What is Monthly Period?" nagtatakang tanong niya. Nabigla naman ako sa tanong nitong si Brent. Gusto kong tumawa, pero pinipigilan ko.

Bakit naisipin niya ang bagay na 'yan?

"Ah... eh... 'yung ano Brent, 'yung... magkakaroon ng ganun yung mga babae, every month," I said while scratching my head. Bigla naman siyang tumango tango. Did he get my point?

"That's why it is called monthly? Because it occurs every month. Ah, okay. But ano po 'yung magkakaroon? Ano po 'yung magiging sayo?" puno nang kuryusidad na tanong niya. Napakamot ulit ako sa kaning ulo. Pano ko ba ipapaliwanag sa kaniya? Eh kabata-bata pa nitong si Brent. He wouldn't understand the cycle of a period!

"Ano... Ah! Basta! Malalaman mo rin 'yan kapag malaki ka na," Bigla naman itong sumimangot. Bigla akong may naalala dahil sa ginawa niya. Kamukha niya si K—

"Ehem."

Napalingon kaming dalawa ni Brent kay Aria na siyang tumikhim. 'Di parin ako makapaniwala na anak niya itong si Brent. Idagdag mo pa na sobrang lamig ng boses niya. Katulad ng personality niya. Kahit kay Brent ay medyo tahimik ito. Is it normal to them? O baka naman ganoon si Aria kasi bata pa lang siya ng manganak kay Brent! She's judged by people that's why ilang ito sa kaniyang anak!

Lumapit si Brent kay Aria. "Why, Mommy?" tanong ni Brent kay Aria. "I'm going back to the Academy." sagot naman nito. Lumungkot bigla ang mukha ni Brent ngunit bigla din siyang ngumiti at niyakap ang kaniyang ina.

May kinuha si Brent sa kaniyang pocket at binigay kay Aria. "Mommy before you read that po, make sure that you won't cry, okay po?" nakangiti si Brent niyan pero mababakas mo sa kaniyang boses ang lungkot.

"Why? Are you going to leave?" There was a change of emotions in Aria's eyes. Pero agad itong nawala and bumalik na naman ang usual poker-faced expression nito.

Ngumiti lamang si Brent at hinila palapit ang mukha ni Aria sa kaniya. He's quite small that's why he can't reach her. Hinalikan nito ang pisngi ng ina. I smiled at the sight I am seeing. Aria might not show her emotions but I know she cares for Brent. Hindi siya mag-aabalang pumunta rito at magdadala ng pagkain kung wala itong pake kay Brent.

And she wouldn't risk herself if she doesn't care for Brent.

Biglang tumingin sa akin si Aria. "Take care of him," Ngumiti naman ako at tumango. "Oo naman! Ako pa!" Proud kong sabi. Tipid itong ngumiti. Ang ganda niya!

"Bye."

"Bye, Mommy! Please take care of yourself and remember that I love you so so much!"

**

Kanina pa naka alis si Aria. Kasakuluyang nag uusap kami ni Brent sa kaniyang higaan. "Ate Lai, kung mawawala po ako po. Malulungkot si Mommy? Si Tita Ella po? Si Tita Tin po? Ikaw din po?" tanong niya sa akin. "Syempre naman, ang cute mo kasi tsaka sobrang lambing pa." sagot ko.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now