Chapter 32

624 44 1
                                    


Chapter 32


"Ha?! Duel na naman?!" nanlanta sila ng marinig ang announcement. They'll be having another duel next month but with weapons. Level up na ang laban.

"But now, you'll be using a weapon of your choice. You have one month to train guys, you can do it."

Umalis na ang prof na nag announce at kaniya kaniya namang bulungan ang nangyari.

"Mamamatay na ata ako ngayon na may armas na kasali. Baka masaksak ako habang nasa laban..." tahimik na ani Ella. Mas delikado ngayon dahil may mga armas na. Walang sinabi ang prof nila kung bawal ba magsaksakan. Pero malay nila, diba? Baka pagtapak pa lang nila sa entablado masaksak na kaagad sila!

"Mag ensayo na lang tayo!" pagpalubag ni Tin sa madilim na mga mukha ng kaibigan.

"Tumahimik ka nga, Prinsesa! Wala ako sa mood mag training. Ilang araw na akong pagod dahil sa training namin ni Aeron." asar na ani Ella. Totoong ilang araw na siyang nag-eensayo kasabay ni Aeron. Pagkauwi nila ay hindi pa siya nakapagpahinga ng mabuti ay nagsimula na silang mag-ensayo! Aayaw sana siya kaso ang sabi ni Aeron ay para daw mapahusay niya ang kaniyang kapangyarihan bilang deity.

"Ikaw ang tumahimik!" inis na bulyaw ni Tin. "'Wag mo nga kasi akong tawagin na prinsesa, baka may makarinig." bulong niya kay Ella at pinandilatan ito.

"Hindi lang ikaw ang pagod sa pag eensayo, okay? Ilang araw na rin akong nag-eensayo kasama sila Leo at Grethel." Aniya. Pati siya ay nag eensayo na rin para mapahusay ang kapangyarihan niya. May permiso ng headmistress kaya nakakalabas pasok si Leo na hindi naman nag-aaral dito sa academy. Hindi katulad ni Grethel na nagaaral rito.

Hindi madali pero kinakaya. Pareha naman silang dalawa na nahihirapan. Pero pinipilit nila ang sarili na mas mapahusay ang kapangyarihang taglay. Tin's power is now finally awake. Minsan ay may napapalabas na siya na kidlat galing sa kaniyang mga kamay. Pero hindi pa ganon kahusay.

"And then? Why do you want to train now—"

"You're too loud," natahimik naman kaagad ang dalawa ng magsalita si Aria. Nagbabasa kasi ito. Hindi nga lang nila alam kung ano. Simula ng makarating sila dito 3 weeks ago, ang dami ng binabasa ni Aria na kung ano ano. Kung sila ay busy sa pag eensayo, si Aria busy rin sa pagbabasa. Pag alis nila sa dorm ay nagbabasa ito at pagbalik naman nila ganon pa rin.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na hindi lang pagbabasa ang ginagawa ni Aria. She's been training with Aidan now. May naguudyok sa kaniya na mag ensayo. Armas, kamao, at pati mga elemento. She trained with those. Ang armas ay si Ivy ang nagtuturo. Sa physical combat naman ay si Aidan. Sa elemento ay si Victoria. Wala siyang kapangyarihan pero pinagdaanan niya ang mga ensayo para sa iba't ibang elemento.

Pero mas madalas na kasama si Aidan. Aidan is good with those three kaya minsan lang niya nakakasama ang dalawang babae.

"Anong armas gagamitin niyo?" tanong ni Tin sa dalawa.

"'Yong whip na bigay ni Lola Wanda." Tinuro niya pa ang whip na nasa gilid ng bewang niya. Nilagay niya doon kasi para daw magkatulad sila ni Lucy sa fairy tail. Mabuti nga at hindi nagtataka ang ibang mga studyante. "Ikaw?"

"Spear."

"Ikaw, Aria?" tanong ni Ella.

"Katana. Double."

"Ay waw! Masasaksak kaagad kalaban mo nyan!" Tumawa ito ngunit sinamaan lamang ng tingin ni Aria.

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Ella sa dalawa. Sila lang tatlo kasi busy ang apat sa kani kanilang rason. Rinig nila hindi na kasali ang apat sa duel na gaganapin sa susunod na buwan.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now