Chapter 29

615 54 0
                                    


Chapter 29

"I felt the connection. And I dreamed of someone when I was asleep. Pinaliwanag nito sa akin ang pagiging deity ko. She told me that I should wake up because the people need my help," paliwanag nito sa lahat.

"And what are you feeling?" tanong ni Ivy.

"Ha?" nagtataka naman si Ella sa tanong nito.

"I mean, nakakashock na may kapangyarihan ka tapos ito pa? Anong nararamdaman mo?"

Ella smiled faintly. "I– I don't know. Ngayon, medyo maayos dahil may nagpaliwanag sa panaginip ko. And I know that I really need to accept things in order to help you guys. Mas mapapadali ito dahil kasali ako sa misyon. I'll do whatever just to help you guys."

Napangiti sina Aria at Tin. Pati na rin sina Ivy at Victoria. They were proud of Ella. Hindi si Ella ang tipo ng tao na maseryoso. She likes girly stuff, she likes anime, she likes kpop, and she dislikes responsibility. Lalo na ang paglilinis. And cleaning is easy. Kaya ngayon na tinatanggap nito ang responsibilidad bilang deity, they felt proud.

"Mabuti naman at naiintindihan mo. Kaya rin hindi nawala ang kapangyarihan mo ay dahil ginagawa parin namin ang ritwal kada buwan. Hindi namin itinigil kahit hindi kami sigurado kung dadating ka ba talaga," sabi ni Wanda.

"Salamat," ani Ella. "Alam kong mahirap at mabigat ang responsibilidad nito. Ngunit gagawin ko ang lahat para mapalagaan ang pagiging isang deity ko at para maprotektahan ang mga mamamayan dito."

Matapos ng usapan ay pinagpahinga na sila ni Wanda. Mahaba na naman ang kanilang lalakbayin. Napagdesisyonan nilang pagkabukas ay umalis na. Ella promised she'll come back here to talk with Wanda. She knows that Wanda can help her with her deity powers. Kaya babalik siya rito.

Nasa iisang kwarto sina Ella, Aria at Tin. Hindi pa sila natutulog kahit malalim na ang gabi.

"Wow, Ella ha. Una may kapangyarihan ka nagulat na ako. Ngayon na deity ka pala, aba! Parang hindi ako makapaniwala!" Tin exclaimed that made Ella smirked.

"Well?"

"Yabang nito!" Tumawa ito at napatingin sa dalawang best friend.

"Kahit ako hindi ini-expect 'to. Everything felt so surreal. Dati tamang stream lang sa YouTube responsibility ko ngayon pagsasagip na ng mundo!" tumawa ulit ito at habang tumatagal humina ng humina ang pagtawa. "I'm actually scared... Paano kapag pumalpak ako? You know me! I mess up things easily!" Nagsimula ng mag-init ang sulok ng mata nito. She's on the verge of crying.

"Hey, relax." ani Aria. "You'll do great."

Suminghot ito. "Ngayon na si Aria ang nagsabi nyan, parang naniniwala na ako."

Sinapo ni Tin ang dibdib. "Bakit?! Hindi ka naniniwala sa akin?"

Bumelat si Ella sa kaniya. "Hindi!"

"Aba't!"

Tumawa ulit si Ella. "But you know... Iba talaga ang nararamdaman mo kapag ikaw na ang nasa ganitong sitwasyon. You'll start to doubt yourself even more. Pagdududahan mo ang sarili kung kaya mo ba ang responsibilidad na binigay sayo."

"Sus, kaya mo 'yan! Tsaka, we won't relate to that dahil wala naman kaming magic!" sabi ni Tin na ikinaseryoso ng mukha ni Ella. "What?" tanong niya ng makita ang seryosong mukha ni Ella.

"I didn't expect I have these. Kaya 'wag kang masalita ng tapos. Malay niyo deity rin kayo. Or mas malakas pa dito."

"'Wag ka nga dyan, Ella! Shit. Kinikilabutan ako..." ani Tin at hinimas pa ang dalawang balikat.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now