Chapter 16

1K 78 0
                                    


Chapter 16


Third Person's POV

Dozen of soldiers are walking together when they saw something. Nabigla naman ang iba sa nakita. Ang iba na matagal na sa kanilang trabaho ay sanay na na mamakakita ng mga kakaibang bagay o nilalang.

Sila ay ang mga kawal galing sa Palasyo ng Fulgur. Nahahati sa pitong kaharian ang Sahuriya. Ang Fuego; apoy ang pangunahing kapangyarihan ng mamamayan dito, may mga iba din silang kapangyarihan maliban sa apoy. Sunod ang Aquei na ang pangunahing kapangyarihan ay ang tubig, Eurus na hangin naman ang pangunahing kapangyarihan, Terra, lupa at mga halaman ang kanilang pangunahing kapangyarihan, Fulgur, kidlat naman ang sa kanila, at ang Crustallos na yelo naman ang kapangyarihan, at ang panghuli ay ang Metallum, na kansa o metal ang pangunahing kapangyarihan. At yan ang mga palasyo na bumubuo ng Sahuri.

"Ano ang mga ito?" Tanong ng isa sa kanila. Bago pa lamang ito sa pagiging kawal kung kaya't hindi pa nito gamay ang mga bagay bagay sa pagiging isang kawal. Bago lamang sa kaniyang mata ang nakikita.

"Kailangan natin itong iparating sa mahal na hari sa madaling panahon," seryosong saad ng namumuno sa kanilang grupo. Hindi man nila alam kung ano ang kanilang nakita, batid naman nila na ito'y magdadala ng panganib sa kanilang lahat.

Nagsimula na silang maglakbay pauwi sa kanilang kaharian. Bago makarating sa kanilang palasyo, kailangan nilang maglakbay ng dalawang araw at isang gabi.

"Dito na muna tayo," pag aanunsiyo ng kanilang lider. Napagdisesiyonan nito na sa gitna sila ng gubat matutulog tutal gabi na, at malapit din ito sa may sapa. Hindi na sila mahihirapan maghanap ng makukunan ng tubig at maliliguan.

Nagkaniya-kaniya silang hanap ng kanilang pwesto. Ang iba naman ay gumagawa ng apoy sa gitna.

Lumalalim na ang gabi at ang karamihan sa kanila ay nakatulog na rin. Mangilan-ngilan sa kanila ay nagkwekwentuhan malapit sa apoy.

Bahagyang natawa ang isang kawal dahil sa kwento ng kaibigang kawal. Bigla naman itong natahimik ng may narinig na yapak ng isang malaking tao. Yumanig ang lupa dahil rito.

Napabalikwas ang iba ng biglang marinig ang sigaw ng mga kasamahan. Lumipad ang ibang mga tent.

"Higante!"

Nagkagulo sila dahil dun. Some of them are already panicking, and some are getting their weapons.

Nakikipaglaban na ang iba, ngunit wala silang panama sa higante. 'Pag may lumalapit ay bigla nalang dadamputin at itatapon ng higante. Ang iba parang nawawalang ng pag-asa.

"Sugod!" Sigaw ng lider nila. Agad namang sumugod ang ibang mga kawal. Pinalilibutan nila ang higante, habang pinaikutan ng lubid ang mga paa nito. Nagpumiglas naman ang higante pinipilit niyang makawala sa lubid na nakatali sa katawan niya. Umuungot at sumisigaw ito habang kumakawala.

"Higpitan niyo pa! Siguraduhin niyong hindi makawala!" Ani ng pinuno nila. Nagsimula ito umusal ng kakaibang lenggwahe. It was like he was chanting something. Nakapikit ang mata nito at seryoso sa ginagawa. Ilang minuto ang lumipas at ibinuka niya ang kaniyang mata.

"H-hindi..." mahinang usal nito.

"Pinuno!"

Unti unting nawawalan ng malay ang kanilang pinuno. Nakahiga sa malamig na lupa. Habang nakahiga ito sa lupa at walang malay, unti unti ring nakakawala ang higante sa lubid. Nagwawala ito. Domoble ang galit at kalahati sa mga kawal ay walang malay at sugatan. Ang iba ay pilit na lumalaban. Ang iba ay nawawalan na ng pag-asa.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now