Chapter 6

12.9K 565 265
                                    

  © to unknown_krist  for making this cover.   

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

"Iihhh! Ang laki naman niyan, Oliver?!" namamangha kong reaksyon habang nanlalaki ang aking mga mata.

"I know." nakangiti niya namang balik sa akin.

"Saka ang taba pa! Kaya ko bang isubo 'yan?! Ang laki talaga!" hindi ko pa rin napigilang reaksyon.

Natawa na naman siya bago nagawang sumagot.

"Hindi mo naman kailangang kainin nang buo 'yan. Gusto mo bang mabulunan?" natatawa niyang tanong pabalik.

Umiling naman ako nang paulit-ulit bilang pagsagot. 

Ayaw ko ngang mabulunan!

"Ano nga ulit ang tawag dito?!" tanong ko pang muli sa kanya.

"Lobster ang tawag diyan." natatawa pa rin niyang sagot sa akin.

"Ahh... Lobster nga pala..." sambit ko pa ring tumatango. "Parang alimango, 'no?" sunod ko pang tanong.

Doon na rin natawa ang dalawang bata na nakaupo sa aking tabi at napapagitnaan ako.

"Si Papa talaga! Ang cute-cute mo talaga!" reaksyon ni Kryz na natatawa.

"Oo nga po, Papa! Pa-kiss nga po!" si Marl naman na mabilis na hinawakan ang aking mukha at hinalikan ako sa pisngi.

Hindi ko naman napigilang panggigilan ang bunso dahil sa ginagawa niyang paglalambing. Halos pisain ko na ang kanyang katawan dahil niyakap ko siya nang mahigpit. At siyempre, ginawa ko rin iyon kay Kryz dahil alam kong magseselos naman itong cute na panganay. Wala tuloy silang nagawa kundi ang tumawa nang malakas dahil sinimulan ko na rin silang kilitiin sa pamamagitan ng aking paulit-ulit na paghalik sa kanilang leeg at pisngi.

Pinapanood lang naman kami ni Oliver at mukhang natutuwa rin siya sa kanyang nakikita. Sinimulan na rin niyang kumuha ng ilang mga pagkain at inilagay iyon sa bawat plato namin ng mga bata.

Dapat ay ako ang mag-aasikaso sa kanila, pero dahil abala ako sa paglalambing sa aking mga anak ay hinayaan ko na lang ang kanilang ama. Isa pa, hindi ko alam kung paano ko sila aasikasuhin lalo na at hindi pamilyar sa akin ang mga putaheng nakahanda sa mesa. Mukhang ang ilan kasi rito ay marami pang sangkap na dapat ilagay bago pa ito maaaring kainin. Kaya para makaiwas na rin sa pagkakamaling magawa ko na maaari ring pagmulan ng pagkakabuking sa pagpapanggap ko, hinayaan ko na lang si Oliver na asikasuhin kami. Saka ang cute naman kasi talaga ng mga batang ito! Nakakalimutan ko ang aking gutom tuwing sila ang nakikita ko!

Naririto kami ngayon sa isang magarang kainan sa loob ng isang mall. Tinupad ni Oliver ang sinabi niya sa akin kagabi na magpupunta kami rito at sama-sama kaming mag-e-enjoy.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon