Chapter 21

8.3K 459 449
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------


FRANCE POV


Sa nagdaang mga araw, hindi ko na maiwasan ang mag-alala kay Oliver. Magmula nang maganap ang insidente sa hotel kung saan muntik nang malagay sa alanganin ang buhay namin ng aming mga anak, halos hindi na makatulog nang maayos ito.

Naging balisa at madalas ay malalim ang kanyang iniisip. Tuwing nasa trabaho nga siya, maya't maya akong tinatawagan para lang kamustahin. Napansin ko rin na mas maaga na itong umuuwi kumpara sa mga nagdaang mga araw. Kung minsan, halos ayaw na rin niyang pumasok kung hindi lamang siya kailangan sa ospital.

"Daddy..." pagtawag kong may pag-aalala sa kanya. Heto na naman kasi siya at nakatulala. Hindi pa nagagalaw ang pagkain sa harap niya.

Naririto kami ngayon sa hapag-kainan kasama ang mga bata para maghapunan. Ang dating masaya at maingay naming salo-salo ay nabalot na ngayon ng katahimikan. Hindi na lang ako ang nakakapansin sa pagiging tahimik ni Oliver, maging ang aming mga anak ay madalas na rin akong tinatanong kung may problema ba ang kanilang Daddy.

Nasa kabisera ng mahabang mesa si Oliver habang nasa kanang bahagi naman niya ako. Sina Kryz at Marl naman ay nasa aking tapat at may pag-aalala rin na nakatingin sa ama ng mga ito.

"Daddy..." muli kong pagtawag kay Oliver dahil wala siyang naging sagot sa pagtawag ko kanina. Hinawakan ko na rin ang kanyang kamay para makuha lang ang atensiyon niya. "Lumalamig na ang pagkain mo. Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?" sunod ko nang pagtatanong dito.

Tila ba doon lang siya natauhan. Hindi niya rin maikakaila na labis siyang nagulat sa pagtawag ko sa kanya.

"N-no... Of course not... S'yempre, nagustuhan ko ang luto mo. Lagi ka naman masarap magluto." depensa naman nito.

Huminga ako nang malalim bilang pag-intindi. Alam ko, ramdam ko, hanggang ngayon ay natatakot pa rin si Oliver sa kinasangkutan naming trahedya ng mga anak niya. Madalas din kasi niya sa akin sabihin na kung may nangyari raw sigurong hindi maganda sa amin, baka raw nabaliw na siya.

Sinikap kong ngumiti nang may pang-unawa. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Kumain ka na, Daddy... Tingnan mo ang mga anak natin, ayaw na rin kumain. Nag-aalala na rin sila sa 'yo." pakiusap ko rito.

Dahan-dahan pa ang naging paglingon ni Oliver sa aming mga anak. Nang makumpirma niya ang aking sinabi ay tila ba nakaramdam siya ng hiya.

"Daddy, what's bothering you po ba..? You could tell us... We're family po, 'di ba..? You keep on telling us that we should share secrets... Remember..?" panimulang pakikipag-usap ng aming panganay na si Kryz sa kanya.

"Mmm-mmm!" tumatango naman na pagsang-ayon ni Marl at naghalukipkip pa. "Yes, Daddy! I can help you! If it's about money, I can ask Tito Michael if you want to?!" dugtong pa nito.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon