Chapter 32

7K 391 126
                                    

(A/N: Puwede n'yo pong i-play ang nasa media kung inyong nais. Puwede rin naman ang song na nasa chapter 31. Kayo po ang bahala. Hahaha! Song title: When You Believe - By: Mariah Carey and the late Whitney Houston)

 Hahaha! Song title: When You Believe - By: Mariah Carey and the late Whitney Houston)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

Habang nakaupo kami sa malambot na sofa dito pa rin sa bahay ni Kuya Michael ay hindi maputol ang pagkakatitig namin sa isa't isa. Pareho naming tinitingnan ang bawat isa nang may pagkamangha. Bagama't kami ay lumuluha, hindi naman maalis ang ngiti sa labi naming dalawa.

Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin kami makapaniwalang tuluyan na kaming nagkaharap. Malaya na naming naililibot ang aming mga mata sa isa't isang kabuuan. Tila ba wala na rin ang makapaghihiwalay sa aming mga kamay na mahigpit ang pagkakahawak.

"Ang gwapo-gwapo mo talaga, France..." papuri niyang lumuluha habang nakangiti at hinahaplos ang aking mukha.

Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso. Namamangha rin ako dahil maging ang boses namin ay parehong-pareho. Hindi ko maipaliwanag ang aking emosyon, ngunit batid kong masaya ako. Ito na marahil ang sinasabi nilang lukso ng dugo.

Inabot ko ang kamay ni Weldy na nasa aking pisngi at mas dinama pa iyon.

"I-ikaw rin naman, Weldy... Mas gwapo ka pala sa personal..?" humihikbing papuri ko rin sa kanya pabalik.

Napakasarap sambitin ang pangalan ng aking kakambal. Para akong nasa ulap at idinuduyan. At habang nararamdaman ko ang kanyang balat, pakiramdam ko ay ligtas ako. Pakiramdam ko, walang mangangahas na manakit sa akin na kahit sino.

"Alam n'yo? Nakakaloko kayong dalawa," biglang komento ni Kuya Michael na nakaupo sa tapat naming dalawa. Kanina pa siya nananahimik at pinapanood lamang kaming magkakambal. Tahimik na umiiyak dahil sa masayang kaganapan na kami ni Weldy ay nagkaharap. "Kanina n'yo pa pinupuring gwapo ang isa't isa, eh, iisa lang naman ang mukha ninyong dalawa." sunod pa nitong komento at natawa.

Dahil sa naging reaksyon ni Kuya Michael ay sabay rin kaming natawa ni Weldy. Binitiwan ni Weldy ang aking mga kamay at ikinulong naman ako ngayon sa kanyang bisig.

"Hayaan mo na, Kuya... Ang saya-saya lang talaga namin dahil nagkita na rin kami sa wakas..." pagkontra ni Weldy at hinalikan naman nang paulit-ulit ang aking pisngi. Kanina niya pa ito ginagawa sa akin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na itong mangyari. "Tahan na nga, France... Iyak ka naman nang iyak, eh..." malambing naman niyang pagsaway sa akin habang pinupunasan gamit ang kanyang palad ang mga luha sa aking pisngi.

"Ikaw rin naman, eh... Kanina ka pa iyak nang iyak... Nahahawa tuloy ako..." sagot ko naman at pinunasan ko rin gamit ang aking palad ang mga luha nito.

Matapos iyon ay muli na naman naming niyakap ang isa't isa nang mahigpit. Hindi talaga kami nagsasawang gawin ito nang paulit-ulit. At tuwing ito ay nangyayari, hindi rin maputol ang aming mga ngiti.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon