Chapter 24

7K 496 287
                                    

A/N: Puwede n'yo po i-play ang song na nasa media while reading the whole chapter. (Song title: You Are The Reason - By: Calum Scott)


 (Song title: You Are The Reason - By: Calum Scott)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



----------


FRANCE POV

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, France?" tanong sa akin ni Kuya Michael.

Inabot na kami ng gabi dahil sa mga naganap. Sa dami ng mga pangyayari, kahit ang salitang gutom ay hindi ko ngayon maramdaman.

Tuluyan na akong nilamon ng sari-saring emosyon. Nalulunod pa rin ako sa lungkot at pangungulila dahil sa aking nabuong desisyon.

Naririto kami ni Kuya Michael sa loob ng kotse at kasalukuyang binabaybay ang bahay nina Oliver. Abala si Kuya sa pagmamaneho habang ako naman ay nakatitig lamang sa kawalan.

Huminga ako nang malalim bago sagutin si Kuya Michael.

"Oo, Kuya. Ito na na rin oras para itama ang lahat. Siguro naman, sa nangyaring ito, matatahimik na tayong tatlo. Wala na tayong tinatago sa isa't isa. Wala na rin dahilan para ipagpatuloy ang mali nating naging simula." malungkot kong sagot dito.

Sa tingin ko ay tama lang naman ang aking naging pasya. Nagsimula kaming lahat sa mali, kaya hindi na dapat kami magtaka kung magtapos din kami sa mapait.

Sa sandaling panahon na nakasama ko sila, dapat ko na lamang iyon ipagpasalamat. Naisip kong wala akong dapat na pagsisihan, dahil sa loob ng mahigit isang taon, naranasan ko ang sayang pinangarap ko kahit panandalian lamang.

"Hindi na ba talaga kita makukumbinsi? Sigurado ka na bang handa mo nang iwan ang mga bata?" sunod pang tanong ni Kuya Michael at saglit akong nilingon.

Nang masabi niya ang bagay na iyon ay natahimik ako.

Handa na nga ba ako? Kaya ko na bang iwan sina Kryz at Marl? Naging malapit na sa akin ang dalawang bata. Naging napakasakit din sa akin na malamang hindi ko pala sila tunay na anak.

"H-hindi ko alam, Kuya... Hindi ko alam..." nauutal kong sagot sa kanya at naikagat ko ang aking ibabang labi sa pagbabaka sakaling mapigilan ang muling pagdaloy ng mga luha ko.

Napabuntong-hininga na lamang si Kuya Michael. Alam kong nag-aalala siya sa kanyang mga pamangkin, pero hindi ko naman puwedeng ipagpatuloy ang pagsisinungaling. Mahigit isang taon pa lang naman ang nakakalipas na kasama nila ako. Siguro naman ay madali nilang matatanggap ang ipagtatapat ko.

Matapos ang maikli naming pag-uusap na iyon ay katahimikan na muli ang namayani sa loob ng sasakyan. Naging abala na lamang si Kuya Michael sa pagmamaneho patungo sa bahay ng mga Santillan.

Ilang sandali pa ang aking hinintay at narating na namin ang dati kong itinuturing na tahanan. Mula rito sa labas ng gate ay hindi muna kami lumabas ng kotse ni Kuya Michael. Inabala muna namin ang aming sarili sa pagtitig sa bahay na kaninang umaga lamang ay aking nilisan.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon