Chapter 15

10.2K 450 283
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

"Iiihhh!! Daddy, ang ganda!!" hindi ko napigilang pagkamangha habang tinatanaw ang dagat mula rito sa bintana. Napapikit din ako nang maramdaman ko ang preskong hangin na tumatama sa aking mukha.

Naramdaman ko mula sa aking likod ang paglapit sa akin ni Oliver. Kasunod nito ay niyakap niya ang aking bewang at inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga para ako ay bulungan.

"Talaga?" tanong niyang malambing sa akin.

"Mmmm!!" sagot ko namang tumatango habang nakapikit pa rin. Patuloy kong nilalanghap ang sariwang hangin na matagal ko ring hinanap-hanap simula nang mapadpad ako sa Maynila.

"Mas maganda sa baba once na nasa tabi na tayo ng dagat." pagbabalita naman niya sa akin. "Magbihis ka na rin kaya, Weldy? Para makaligo na rin tayo sa dagat." sunod niya pang mungkahi.

Kumilos ako para harapin siya kaya bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa aking bewang.

"Titingnan ko muna ang mga anak natin, Daddy! Baka pinapahirapan na nila sina Ate Aning at Ate Loca sa mga susuotin nila, eh! Doon na lang din ako magbibihis!" natatawa ko na ngayong sagot sa kanya.

Maging si Oliver ay natawa sa aking sinabi. Hindi niya rin siguro naiwasang alalahanin ang senaryo kung paano kami nahirapang kumbinsihin ang aming mga anak na piliin lamang ang kanilang mga dadalhing damit patungo rito sa Palawan. Sa sobrang dami nilang damit, sobra-sobra ang mga gusto nilang dalhin para sa ilang araw naming pananatili rito.

"Sige na nga! Magbibihis na lang din muna ako rito. Mauna na rin kayong pumunta sa dagat dahil aayusin ko pa ang iba nating gamit. Magpatulong ka na lang kina Ate Aning kung paano kayo makakarating doon. Susunod na lang ako." mahaba nitong pangungumbinsi sa akin.

Medyo nakaramdam ako ng hiya kaya nabawasan ang aking pagkakangiti.

"Sigurado ka, Daddy? Pwede naman kitang tulungan muna?" pag-aalala ko sa gusto niyang mangyari.

Hindi muna sumagot si Oliver, hinalikan niya muna nang mabilis ang aking labi bago siya nagsalita.

"I'm okay. Gusto kong mag-enjoy ka, Weldy. Isa pa, baka pagalitan pa ako ng mga anak natin kung hindi ka nila makakasamang maglaro roon? Wala kayong kasawa-sawa sa paglalaro!" sagot naman nito at natawa sa huli.

Maging ako ay hindi naiwasan ang muling matawa. Tama naman kasi siya, lahat na yata ng laro ay nagawa na namin ng mga bata. Ngayon pa lang ang unang pagkakataon na makakalaro ko sila sa tabi ng dagat kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng saya.

"Sige, Daddy! Hihintayin ka namin sa baba, ha?! Bilisan mo!" pagsang-ayon ko na lang sa kanya at hinalikan din siya sa labi.

Matapos ang maikling pag-uusap namin ni Oliver ay kumilos na rin ako para puntahan ang aking mga anak dala ang mga damit na pangligo ko.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon