Chapter 9

10.6K 486 355
                                    

Pwede n'yong i-play ang nasa media while reading this whole chapter. (Song title: Take me, I'll follow - Cover By: Toni Gonzaga)

 (Song title: Take me, I'll follow - Cover By: Toni Gonzaga)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

Hindi maputol ang aking ngiti nang makapasok ako sa aming gate. Nagbalik kasi sa aking isip ang senaryo kanina noong hinatid ko ang mga bata sa kanilang eskwelahan.

Noong nasa gate na kami kanina ng kanilang paaralan, nagtataka kami ni Kryz kung bakit ayaw pang pumasok ni Marl sa loob. Tinanong namin siya kung may hinihintay ba siya pero sinagot niya lamang kami ng magandang ngiti habang tumatango.

May ilang minuto pa kaming naghintay roon dahil maaga pa naman. Pero noong may dumating na isang kotse sakay ang dalawang bata na lalaki at babae, doon lamang nagsabi si Marl na maaari na silang pumasok sa kanilang eskwelahan. Tila ba ang mga batang iyon lang ang kanyang inabangan.

Mukhang sikat din ang dalawang batang iyon dahil lahat ng kanilang madadaanang estudyante ay kanilang nginingitian. Kaway pa nang kaway ang batang lalaki habang paulit-ulit na sumisigaw ng, 'Hi, fans!'.

Dahil din doon, kinulit ni Kryz kung crush ba ni Marl ang batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay tinawag nilang Carla. Pero sa halip na sagutin kami ni Marl, ngiti lang din ang ibinigay niya.

Natatawa ako dahil sa mura nilang edad, alam na nila ang salitang 'crush'. Samantalang ako, hindi ko pa iyon malalaman kung hindi pa sa akin naipaliwanag nina Ate Aning at Ate Loca kung ano ang kahulugan nito.

"Kuya Weldy!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan nang makarating ako sa bahaging hardin ng aming bahay.

"Ate Aning!" pagtawag ko ring nakangiti sa kanya.

Naabutan ko si Ate Aning na ngayon ay nasa hardin at nagdidilig ng mga halaman.

"Tulungan na kita!" alok ko nang makalapit ako sa pwesto niya.

"Naku, 'wag na! Ayan ka na naman, eh! Ilang beses ba naming dapat ipaalala sa 'yo na ikaw ang amo rito?! Makulit ka rin talaga, 'no?!" tila ba panenermon nito matapos iiwas sa akin ang hawak niyang hose.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon