Chapter 12

9.9K 458 328
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

"Ate Aning?! Ate Loca?! Aalis na ako!" pagpapaalam kong sumisigaw sa kanila.

Kasalukuyan ko silang hinahanap para magpaalam na magsusundo sa aking mga anak.

"Kuya Weldy! Nandito kami sa likod!" sigaw naman ni Ate Aning.

Mabuti naman at narinig na nila ako. Kanina pa ako sumisigaw pero ngayon lang nila narinig ang pagtawag ko.

Agad kong tinungo ang likod nitong bahay kung nasaan din ang aming swimming pool. Naabutan ko silang dalawa na tila malalim ang iniisip at napansin kong abala rin sila sa pagsusulat.

"Anong ginagawa n'yo?" bungad kong pagtatanong nang makalapit ako sa kanila.

"Sinisimulan na namin ang paghahanda sa birthday party ni Kryz, Kuya. Sinabihan kasi kami ni Kuya Michael na asikasuhin na agad 'yon habang maaga, eh." sagot ni Ate Aning nang hindi nakatingin sa akin.

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Birthday?! Si Kryz?! Kailan?!" sunod-sunod kong tanong.

Dahil sa aking inasal ay mabilis nila akong nilingon nang sabay.

"Oo, Kuya! Hindi pa ba sa 'yo nabanggit ni Kuya Oliver? Sa susunod na buwan na 'yon! Dito rin 'yon gaganapin sa bahay kaya busy ang peg namin ngayon!" sagot naman sa akin ni Ate Loca.

"Aahhh..." sambit kong tumatango. "Hindi pa, eh. Wala pa siyang sinasabi sa akin, pero nabanggit niya kanina noong tumawag siya sa akin na may mahalaga siyang sasabihin pag-uwi niya. Baka tungkol na nga 'yon sa birthday ni Kryz?" sagot ko pa sa tanong niyang iyon. Naalala ko rin kasi ang sinabi sa akin kanina ni Oliver noong huli kaming magkausap sa aking cellphone.

May ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa magsalitang muli si Ate Aning. Itinigil niya rin saglit ang kanyang ginagawa at tumingin nang diretso sa akin.

"Pero, Kuya Weldy! Secret lang muna 'yon, ha?! Gusto kasing i-surprise ni Kuya Michael ang pamangkin niya, eh! Taon-taon namang siya ang naghahanda para sa birthday ng mga anak n'yo ni Kuya Oliver kaya ewan ko kung masu-surprise pa ba ang mga bata! Sinasakyan na lang namin ang trip niya, eh! Pasalamat lang talaga at gwapo 'yang kuya mo kaya gora lang kami nitong bruha!" pagkekwento nito at itinuro si Ate Loca sa kanyang tabi.

"Totoo 'yon, Kuya Weldy! Siya ang nakatoka sa bawat birthday party nina Kryz at Marl! Ewan ko ba naman kasi diyan sa kuya mo! Nasa edad naman na siya pero ayaw pang mag-asawa! Kung inaanakan na lang ba niya ako, e 'di sana, hindi siya naiinggit sa mga anak n'yo ni Kuya Oliver, 'di ba?!" pagsang-ayon naman ni Ate Loca kay Ate Aning.

Hindi ko magawang makipagsabayan sa pilyang pakikipag-usap sa akin ngayon nina Ate Aning at Ate Loca. Naging abala na kasi ako sa pag-iisip kung ano ang maaari kong iregalo sa nalalapit na kaarawan ng aking panganay. Gusto kong mapasaya sa araw na iyon si Kryz kaya patuloy akong nag-iisip.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon